Chapter 7

1.1K 26 1
                                    

In his perspective...

Lagi kaming magkakasama nila Bea and yung tropa. Turns out, hindi rin pala nila alam na si Sofi pala yung nililigawan ni Marck kaya nagulat din sila sa nangyari sa bar. It's been days pero hindi pa nagpapakita yung dalawa sa'min, which is a good thing in my opinion

Andito kami ngayon sa library, kasama rin namin si Dani. May tinatapos kasi na research si Luigi at Pao. Brokenhearted kasi yung isa kaya hindi nagawa kaagad yung part niya

"So anong gagawin niyo mamaya?" tanong ko sa kanila

"Luigi and I will probably finish this first..." sabi ni Pao

"May date kami mamaya..." sabi ni Rex sabay umakbay kay Trey. Ang haharot sarap palayasin dito sa table

"Bakit ba kuya?" tanong ni Dani habang binubuklat yung anatomy book na nasa harapan niya

"Mag aaya kasi sana ako sa Butterfly Garden mamaya. Manonood ng gig..."

"Eh di isama mo si ate Bea tutal nililigawan mo naman siya..." poker face na sabi ni Dani na akala mo wala lang sa kanya yung mga sinabi niya and nanlaki naman yung mga mata ng kasama namin sa table

"Whaaaaatt???!!!" sigaw nila kaya pinagalitan kami nung librarian

"Ang ingay niyo guys..." sabi na lang ni Bea habang napapailing sa sobrang paniwala nung mga kasama namin

Di na makapagsalita yung mga kasama namin and nakatulala na lang sila kaya inakbayan ko naman si Bea na nagulat pero sinakyan lang yung trip ko

"Pucha totoo?" tanong ni Luigi kasi siya yung unang natauhan sa kanilang apat

"Joke lang putek kayo ang bilis niyo paniwalain..." tumawa kaming tatlo nila Bea at Dani and naghigh five pa kami habang yun apat di mo alam kung maiinis o ano ehh

"No wonder nagkasundo kayong tatlo agad. Pare-pareho kayong prankster at bully..." sabi ni Pao tapos pinagpatuloy niya na yung pagtatype and pagscan sa reference book na kinuha niya kanina

"Pero seryoso, pinakilala ko siya kela Mama na nililigawan ko. Kaya I need you to cover up for us 'pag nagtanong sila.." explain ko sa kanila pero inisnob lang nila ako

"Neknek mo!"
"Magjoke ka sa pagong!"
"Sino niloko mo?"
"Luh who you?"

"Wow salamat sa suporta guys..." sabi ko after ng violent reactions nila

"Totoo yun guys. Kasi naman si kuya, si ate Sofi dapat yung ipapakilala kaso something happened diba. Kaya I suggested that solution nung naabutan ko silang dalawa nung morning sa Tagaytay..." Dani explained pero imbes na umagree na lang, nagsalita pa ang mga kupal

"Hindi kayo umuwi?"
"Omg what happened? Bea?"
"Bro sabi ko sa'yo ayoko pa magka inaanak wala pa akong trabaho!"
"Pucha di ka na mabagal.."

Napahampas na lang ako sa noo ko sa sobrang hirap paliwanagan nung mga 'to

"Dumi ng utak niyo... Walang nangyaring ganun sa iniisip niyo. Sakto lang na umulan nang malakas kaya nakitulog na lang ako sa condo ni Thirdy" Bea explained and tumango tango naman ako

"Pero nakayakap si kuya kay ate nung nadatnan ko.." sabi ni Dani sabay smirk na lalong nagpaingay sa mga kasama namin

"ikaw Dani imbes na nakakatulong ka..." sabi ko pero tumawa lang siya and tumayo para ibalik yung book na hiniram niya

After minutes of explanation, pagpapaalala na ibaba yung volume ng boses nila, at paghampas sa'kin, naconvince rin namin sila na totoo yung sinasabi namin at walang nangyaring masama

Misguided StarsWhere stories live. Discover now