Chapter 28

764 31 2
                                    


After the incident last night, tumambay lang ako sa cloud 9 and dumiretso sa bahay namin. Hindi pa alam nila Mom na andito na ako since hindi ko na sila pinagising kagabi. Tinulungan ko sila Ate Mae magprepare ng breakfast today para naman mawala muna sa isip ko yung mga bagay na gumugulo sa'kin

Maya maya lang, narinig ko na sila Mom and Dad na bumababa

"Good morning Mom! Good morning Dad!" mukhang nagulat sila kaya I laughed a little. Nagbeso lang ako sa kanilang dalawa

"Ang aga mo anak ha…" sabi ni Dad sa'kin while assisting Mom na umupo

"Kagabi pa po ako Dad. I went to the hospital kasi to see Dani and naisipan ko po na dumiretso na here…"

"Dani? Why? May nangyari ba sa kanya?" tanong ni Mom

"Yes po. She had a car accident last night, pero okay naman na po siya ngayon…" she nodded and binalik na yung platter sa gitna

"I'll just call Mozzy later para mangamusta rin sa kanila…"

We ate in silence. I was too occupied din kasi kaya I didn't initiate na to speak or magkwento. Ewan ko ba, I know Thirdy won't cheat on me pero 'di ko pa rin maintindihan kung bakit kailangan niyang itago yun sa'kin.

"Anak are you okay?" tanong sa'kin ni Dad

"Yes dad. May naisip lang po ako bigla…" he just nodded and nagproceed na kumain

After breakfast, umakyat si Mom to get my letters. Bumaba rin naman siya agad and pumunta kaming tatlo sa couch. Tinitignan lang nila ako habang binubuksan ko

Yung una galing sa NYU. I got accepted sa MS Biotechnology program nila. Yung pangalawa naman sa UCB. MSc Environmental Science. Yung huli, sa Yale. Same degree sa NYU. Binigay ko rin kela Mom and Dad yung letters

"These are great Bei. Very prestigious schools! Pero bakit hindi mo sa'min sinabi agad?" sabi ni Dad

"I want to surprise you po kasi. Also, I never really expected na I'll be accepted…" I replied

"So...what's your decision anak?" sabi ni Mom. I sighed and looked at them

"NYU is my dream school Mom. Dun po ako tutuloy. I'll contact them later to confirm…" they nodded and smiled

"But paano si Thirdy? Alam niya na ba 'to?" right. Si Thirdy nga pala. I slightly shook my head

"Hindi niya po alam..." I sighed and held their hands

"Mom, Dad, I know this sounds absurd but please 'wag niyo pong sasabihin kay Thirdy yung about dito..."

"Bakit naman anak? Also sabi sa letter na you have to be there by May. April na ngayon…" I breathe deeply. Hindi ko na alam kung tama 'tong gagawin ko

"Basta Mom, Dad, please. I know na he doesn't want me to go, and gusto ko po talagang itake 'tong opportunity na 'to. Even if umalis na po ako, 'wag niyo pong sasabihin sa kanya kung nasaan ako. I want him to live his life freely and kapag nalaman niya kung nasaan ako, baka hindi lang makatulong sa amin…"

"So you mean na you'll break up with him?" I nodded and hugged them. 'Di ko na napigilang umiyak

"Alam ko naman po na kung kami talaga, magkikita kami sa huli. Pero I really want to do this for myself first…" ...and para maging safe kayong lahat

Naintindihan naman daw nila kaya isusupport na lang daw nila ako. I'm really thankful na hindi na sila nagtanong pa. I'm doing this para sa inyo, even if it takes away my own happiness

Misguided StarsWhere stories live. Discover now