Getting to Know

15 1 0
                                    

I still cant move on with what we did yesterday. Siraulo talaga si Lauren hahaha. Running away dahil sa harana ni Ian hahaha it just makes me laugh 😂

But back to reality.

Good news: walang klase
Bad news: may seminar

Ramdam ko na ang boring na araw. Uupo at chismis lang din naman ang mangyayari, aantukin lang ako but good thing because makakasama ko si Lauren

I was looking for Lauren in the crowd only to find her with Ian. Okay I was wrong. I wont be with Lauren.

"Oy Adrian" well thats a familiar voice. Si Ella lang pala hahaha siya nalang sinamahan ko kung saan saan and balak namin yayain nalang si Lauren for lunch.

But when I was going to go to Lauren, nilapitan nanaman siya ni Ian, and this time kasama na yung tropa niya.

Ediwow! Dun nalang siya lagi kay Ian.

Hinayaan ko nalang na kumain mag isa si Ella. "Oy Adrian kumain ka na" sabi ni Ella pero wala, wala na akong samood.

Pero syempre hindi ko rin kinaya. Kumain rin ako later. Sama na nga loob ko, gugutumin ko pa sarili ko.

While eating, I saw a girl. Freshmen siguro. She's in a room, dancing.

"Zyra pahinga ka muna" Narinig kong sabi ng kasama niya.

So Zyra it is.

*One month later

"Okay guys prepare na kayo para sa leadership training natin for 3 days 2 nights camping"

Hays katamad but Im just happy kasi kasama ko si Lauren. Pero may isa akong napansin, nung time na paalis na kami, kasama pala si Zyra.

Im curious about this girl. I want to know her.

Lauren's pov

I'm so excited sa training naminnnnnn! Sana lang it will go well. Halata namang magiging masaya si Adrian kasi nandun si Zyra. My goodness. Akala nung mokong na yun hindi ko malalaman na gusto nya si Zyra.

Sa bawat practice ng activity, nahuhuli ko siyang nakatingin kay Zyra. Merong isang pagkakataon na umulan ng malakas at nilipad ang mga tent namin. Tapos ayun waw inuna pang asikasuhin si Zyra keysa sakin 😒

"Lauren, parang gusto ko ata si Zyra,skl" sabi ni Adrian at ayun nagsabi rin sakin. "Alam ko" sabat ko sa kanya and he seemed so shock hahaha mokong talaga

Tinawanan ko lang siya. "Ganun ba kaobvious?" Tanong niya sakin "Hindi naman. Pansin ko lang kasi kilala kita" tumango tango lang siya sa sinabi ko at nagpaalam na aalis raw muna siya

After ng nangyari, Adrian suddenly changed his mood. Biglang naging bitter yung mukha niya.

"Adrian! Hoy!" Aba,di talaga lumingon ang mokong. Kanina lang,ang saya saya pa ng mukha niya kasama si Zyra. I wonder what happened. Hinabol ko sya,bigla ba namang umulan! Sinundan ko lang sya,di nya ako pinapansin e. Sobrang okay ko lang. "Hoy! Hintayin mo'kooooo!" Malakas kong sigaw.

Nilingon niya ako then he stopped. Buti naman naisip niyang huminto (roll eyes). "Anong nangyari sayo? Bakit di mo'ko nililingon kanina?", tinanong ko agad sya the moment I sat down beside him. "Zyra rejected my feelings for her," kaya naman pala bitter ang mukha ng lolo niyo. "Willing ka magpaulan dahil lang dun sa freshmen na babaeng yun?"

Medyo tumaas yung tono ng boses ko because he drowned himself into Zyra,who doesn't know anything about him. Hindi niya ako sinagot,yumuko lang siya. I was containing myself,baka masapak ko pa siya eh.

Gusto kong murahin at suntukin si Adrian pero ayaw kong dumagdag pa sa iniisip niya kaya I kept my mouth shut. So eto,parehas kaming basang-basa sa ulan. Oo,huminto sya sa walang silong. Gan'to ba talaga pag inlove? Nabobobo?

Paggising ko ng umaga,hindi ko na kinulit pa si Adrian about kay Zyra. Ginawa ko na lang yung mga dapat kong gawin. Saka excited na din akong umuwi eh. I missed my bed so baddddd! (Char)

(SCHOOL)

Back to reality na kami pero itong si Adrian mukhang di pa natatanggap yung reality na rejected sya ni Zyra. Tsktsk. May part na naaawa ako sa kanya,may part din na hindi.

Am I a bad friend? Sana naman hindi. Katabi ko si Adrian and I can feel na hindi sya nakikinig sa lecture ni Ma'am. He was sketching something. Sa sobrang curious ko,I looked into his drawing.

Base sa features ng drawing,I can tell it was Zyra. Grabe pala ma'inlove si Adrian. Di niya namamalayan na he was slowly losing himself because of too much love for a girl that rejected his feelings.

Magaling si Adrian mag sketch,sguro sa sobrang inlove niya,almost perfect na yung portrait niya for Zyra even in a scratch paper. At the back of my mind, napa SANA ALL na lang ako sa ginawa ni Adrian.

Days have passed pero yung feelings ni Adrian for Zyra is hindi pa rin nag pass. (lakas maka entry 😂) Di ko kasi talaga pinapakialaman yung issue ni Adrian kay Zyra because it's none of my business.

"Hoy. Baka mabaliw ka na dyan. Samahan mo'ko. Bili tayo sa labas ng school." Sumunod naman siya agad sa'kin. Chika lang ako ng chika sa kanya. He just nod his head everytime he agrees sa sinasabi ko.

Di ko na lang inisip. Hanggang sa paglabas namin ng store,ganun pa rin attitude ni Adrian. Medyo nauna akong naglakad sa kanya,at dahil madaldal ako naturally,satsat pa rin ako ng satsat.

I stopped a while tapos nakita ko na lang na he passed in front of me without even saying a word. Parang napako ako sa kinatatayuan ko. Di ko alam kung dapat ko ba siyang tawagin at sabihing balikan niya ako o hayaan siyang pumasok ng school mag-isa and let himself notice na naiwan niya ako sa kalsada.

I don't know pero kumirot ng kaunti yung puso ko. Tumawid ako papuntang school and I saw him waiting for me malapit sa guard house ng school. "Saan ka nanggaling Lauren?" WOW.

Lakas ng loob niyang tanungin ako niyan ah. "Naiwan mo'ko sa daan kanina. I was talking to you then dumaan ka na lang sa harap ko without even saying a word. Alam mo Adrian, hindi kita pinapakialaman sa issue mo kay Zyra. But please,wag naman sana ganito. Zyra's not your world. Nandito pa ako oh. Bestfriend mo'ko,baka nakakalimutan mo." Umalis ako with a heavy heart. Nakakainis. Di ko alam pero nasasaktan ako sa ginawa ni Adrian. Hindi na ako lumingon pa sa kanya,bahala siya.

7 Years of Adrian and LaurenWhere stories live. Discover now