First Fight

4 1 0
                                    

Lauren's Pov

Grabe yung school namin no? Di na naubusan ng leadership trainings HAHAHAHA! Hay nakooooo. Nakakapagod.

Mabuti na lang kasama ko si Adrian. All is well pag andyan siya. Gumagaan yung feeling ko.

Yieeeee tae,ganto rin pala ako pag naiinlove,ang corny HAHAHAHA pero kasama si Zyra. Jusko. Sana lang di awkward 'to.

Sinimulan na kaming igrupo. Di ko kasama si Adrian,sad. Pero kagrupo ko si Zyra. Oh great. Ang bait ng tadhana ah (insert sarcasm).

Bahala na. Ang importante nasa iisang school pa rin kami ni Adrian.

Ang first task was COOKING.

Yes,magluluto po kami. Nararamdaman kong wala akong ambag sa grupo namin.

Tumitingin lang ako sa tabi habang nagluluto ang iba. Pero habang nakaupo ako,kitang-kita ko yung pagsama ni Adrian at Zyra para kumuha ng tubig.

Ang sweet nila. Mahulugan sana ng tubig sa paa si Zyra. Char. Di ako pwedeng mag react kasi walang nakakaalam na kami na ni Adrian.

Kusang tumaas yung kilay ko at sakto! Tumingin si Adrian. Humanda ka sa'kin mamaya,kupal ka. Gigil mo'koooooo!

Kagrupo ni Adrian yung kaibigan ni Zyra na madaldal. She's Hannah,ang tsismosang maldita. Jusko. Nawawalan ako ng awa sa mga batang ito. Ang haharotttt!

Pinakalma ko ang sarili ko. "Ako na lang maghuhugas ng plato mamaya," ako na ang nagkusa na huhugas kasi wala naman talaga akong talent sa pagluluto.

Tig kain lang po talaga ako,yun lang po yung ambag ko HAHAHAHA

Sandamakmak na plato ang hinugasan ko. Kakayanin ko 'to!

Habang naghuhugas ako,may lumapit sa'kin. Aba. Lakas ng loob ni Adrian ah.

"Wala lang yung nakita mo kanina. Tinulungan ko lang si Zyra," tulong tulong ka dyan! Sapakin kaya kita! Pero di ako kumibo.

Konteng selos lang naman yung naramdaman ko kanina HAHAHAHA konte lang nga ba Lauren? Bahala siya.

Di ko pa rin siya kinausap. Pagod na 'koooooooo! Adrian heeeeeeeeeelp! " I love you" pagsabi ni Adrian nun parang lumambot na ako bgla at hindi ko rin siya natiis haahahaha.

After nun,nagpahinga ako sa quarters namin. Tapos tinext ako ni Adrian. Syempre nireplyan ko,di ko natiis eh HAHAHA ang rupok!

Pagkahapon nun,merong event tapos summer attire. Aba.

December na po,baka mali po kayo ng kalendaryo Ma'am.

Pina-blindfold kaming lahat. Hiniwalay ang boys at girls. Kainis na pakulo 'to.

At dahil mukhang di katiwa-tiwala yung mga lalaki namin sa council,kinausap ko yung babaeng katabi ko.

"Uy. Tayo na lang partner. Ayoko magkapartner ng lalaki eh. Okay lang ba?" Syempre nagpaawa effect pa ako para pumayag. HAHAHA!

"Sige sige. Okay lang sa'kin hehe,"ang qt niyang bata haha.

So ayun,when we put our blindfolds,kunwari naghahanap ako ng partner pero yung totoo katabi ko lang yung partner ko HAHAHA!

We held each other's hands para wala ng makakuha pa sa'min. Then naisip ko,sino kaya yung partner ni Adrian? Sana naman wag si Zyra.

"Okay,take off your blindfolds and see who's your partner," nung tinanggal ko yung blindfold ko,hinanap ko agad si Adrian.

And medyo nagsisi ako na hinanap ko siya. Nainis lang ako lalo sa nakita ko eh.

His partner was Zyra and mukhang masayang-masaya si Zyra na partner sila. At talagang di pa nila binitawan ang kamay ng isa't isa ah.

7 Years of Adrian and LaurenWhere stories live. Discover now