Confession

7 1 0
                                    

Ayan nanaman si Adrian sa mga salita niyang hindi ko alam kung may mas malalim na ibig sabihin o wala.

There's a part of me na gustong maniwala sa mga sinasabi niya.

Pero sabi ko nga,baka confused lang siya dahil sa dare.

You can't love two persons at the same time,you know. Walang ganun.

I was silent the whole time we were talking dun sa unused room. Wala akong gustong sabihin sa kanya. I was just listening.

Buti na lang nag bell na,feeling ko kasi di ko kakayaning tumagal pa dun.

Baka mas marami pa akong maririnig na mga salita na magiging dahilan ng lalo kong pagkalito.

I can't find any reason to feel like this. Di ko naman gusto si Ad eh. He's just my bestfriend before.

Pero when the dare started,parang unti-unti na rin akong nalilito. Lord,help.

-------

Next month na pala yung contest namin for journalism. Kinakabahan ako.

Sila Adrian,ngayong week yung contest nila. I pray na mananalo sila. Actually I've gone cold after we talked.

Ayoko muna ma-involve sa kanya. I need space for myself. Bahala na siya sa issue niya kay Zyra. Medyo nawawalan rin ako ng focus mag-practice. Kainis.

"Hi Lauren," isa pa 'to. Nginitian ko na lang. Baka sabihin niya isnabera ako masyado. Kahit anong skemberlu ang sinasabi ni Ian sa'kin.

Pinapakisamahan ko na lang siya. We became friends din naman eh. I can feel na tinitingnan ako ni Adrian but for now,I don't care what he thinks. Bahala na silang lahat.

I need to focus myself on the other things,lalo na sa school. "Lauren sabay tayong umuwi," nauna na akong naglakad,susunod din naman siya e.

Tinatanong nya ako kung kamusta daw ba ang practice ko and I said it was fine.

Hinaharangan ako ng mokong na 'to. Iniiwasan ko din naman. Bahala siya.

Natawa ako ng medyo pero balik "cold" face ako ulit. Ayoko lang talaga makipag-usap.

------

Ngayon na pala yung competition nila Adrian. "Lauren hug mo'ko," pag ganito si Adrian,it means that he's really nervous.

So syempre,binigyan ko siya ng hug kahit wala ako sa mood.

I told him to pray lang always,lalo ngayon na kinakabahan siya. Pinag-pray ko din na sana manalo sila kasi mahirap gumawa ng school paper for 8 hrs then make a copy of it immediately.

Kasama rin dun si Zyra. For sure masaya si Adrian dun. Ater that Division Level contest,pupunta sila ng GenSan for 3 days para sa Regional Level.

I wish them all good luck.

"Lauren,nanalo kamiiiii!" Uhhhhh God is really good! I hugged Adrian tightly for the good news.

Pero after nun,I let go immediately kasi I realized na di ko pa rin pala siya pinapansin masyado haha.

Sana lang talaga hindi mahalata ni Adrian itong mga ginagawa ko sa kanya. Pero duh,he's not an idiot. Basta bahala na.

After ng contest nila,sabi niya samahan ko daw siya bumili ng mga pagkain niya sa grocery. Buraot talaga e.

Bumili kami ng mga gusto niyang ibaon at yun mga snacks na malalaki para pwede niyang ishare.

While we were walking,I realized na baka nga gusto ko na talaga si Adrian. Baka nga totoo na ako na yung talo sa dare.

Kasi there's no way na I will get confused kasi wala naman akong ibang lalaki na nagustuhan e. Not even Ian.

Kakaiba yung nararamdaman ko the moment we started the dare. It was all joy with Adrian.

Lalo na when he surprised me. If my heart could cry,I think maraming-marami ang maiiyak nun sa sobrang tuwa.

Nasaktan rin ako when Zy hugged him. Ang gago ko. Manhid ba ako? Manhid ba si Adrian? Ano ba talaga kami ngayon? Kailangan ko na ata ng counselor about this (char,oa ang lola niyo).

Niyaya kong kumain ng kwek kwek si Adrian. If I can feel butterflies in my stomach this time,it means na I've fallen to his trap.

Shet,di ako ready for thisssssssss! Kumukuha na siya ng kwek kwek,nagpasalamat na sya kay manong na nagpapabenta,kinakain na niya,lumingon na siya sa'kin,nginitian niya na'ko...... Boom! Wala na,finish na. Uwian na. May nanalo na. Mahal ko na ata 'tong lalaki na 'to.

Hayop naman Adrian. Ba't mo ginagawa sa'kin 'to? Bestfriend lang naman hinihingi ko pero bakit mo ako binigyan more than that?!

Lord,whyyyyyyyyyy? Mahirap mahulog sa taong di ka gusto. Ganito pala yung feeling.

Feeling ko I blushed after ngumiti ni Adrian sa'kin. Ang hayop talaga. "Hoy. Kumain ka na. Libre kita kasi aalis ako bukas," sana nga wag ka na umalis e. Hayyyyy.

Mamimiss ko ang mokong na 'to. Pero medyo nanginginig pa yung mga kamay ko habang kumukuha ako ng kwek kwek HAHAHAHAHA para akong tanga.

Niyaya ko na umuwi si Adrian pagkatapos namin kumain kasi di ko na talaga kaya yung nafifeel ko.

Pagkauwi ko,I kept thinking about confessing my feelings to Adrian. Sasabihin ko ba o hindi? Ano na Lauren? Kung sasabihin ko,will he reply?

Kung di ko naman sasabihin,ako ang laging mapeperwisyo kasi lagi ko siyang maiisippppppp! Ayoko naaaaaa! Nakaka-paranoid naman 'to. Sana lang pag nalaman niya 'to,di niya ako aasarin ng sobraaaaa!

Sasakalin ko talaga siya pagbalik niya. Hawak ko na yung phone ko. "Adrian. I have something to tell you," alanganin pa akong isend yung message ko.

Lumunok muna ako. Pinapawisan na rin ako. Sobra pa ata 'to sa final exam eh. Ayoko naaaaaaa!

This is now or never. I pressed SEND. I don't know if I will pray na magreply siya o hindi.

Biglang tumunog phone ko. It was ADRIAN. Sht. "Ano yun?," hala. Nagreply siya.

Paano na 'to. "Ano kasi," tapos sinend ko para thrill muna HAHAHAHA "Ano nga? Bilis," aba. Demanding.

"Di ko alam paano ko sisimulan. Hay. Wag mo sana akong asarin sa sasabihin ko," tapos sinend ko ulit,mamatay ka sana sa kaba HAHAHAHA

"Ano ngaaaaa? Lauren naman e!" Curious na 'to HAHAHAHA

"Tingin ko mahal na kita. I lose," ayun sinend ko na. Tinaob ko yung phone ko. Ayoko makita yung reply niyaaaaa.

7 Years of Adrian and LaurenWhere stories live. Discover now