Save the Earth

2 1 0
                                    

Lauren's Pov

After naming naligo at nagsaya,nagpaalam ako
kay mama na pupunta ako sa D.A. Para wala na akong aalahanin.

Hay. Lumabas na ako ng bahay at sumakay. Inaantok ako. Sobrang pagod ko talaga eh. Kamusta na kaya si Adrian?

Ayoko naman siyang samukin kasi baka may ginagawa yun. So ako lang yung mag-isang pumunta ngayon sa D.A.

"Pwede na namin 'tong pirmahan right away since bumili na rin naman kayo ng seeds and you have visited the place," ang bait naman ni kuya. Sana ol.

Pagpalain siya nawa ng ating Panginoon. "Thank you po Sir," sabi ko sa kanya saka ako umalis.

Buti naman at pumayag sila haha. Umuwi na ako saka nagpahinga. Klase nanaman bukassss!

Next Day

Mahal na mahal talaga ako ng alarm clock ko,lagi niya akong ginigising ng maaga para di ako mahuli sa klase hahaha!

Nag ready na ako para makaalis ako agad ng bahay namin. Pagdating ko ng gate,hinintay ko muna si Adrian sa labas ng room.

Wala pa siya eh,himala. Tumitingin tingin ako sa paligid. Tapos saktong dumating na siya pagtingin ko sa gate.

Bakit parang alanganin pa siya pumunta sa direksyon ko? Tinawag ko siya at umupo naman siya sa tabi ko.

"Always listen to your heart. Don't be deceived by what you see,okay?" Ang weird naman neto. Ano kaya nakain niya?

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya na takang-taka. "Promise me na di ka magagalit," wow ha. Galit agad?

"Oo ngaaaa! Ano ba kasi yun?" Curious ako masyado eh. Dami niyang paikot ikot.

"Kasi yesterday,nakatulog ako sa tabi ni Hannah at nahuli kami ni Leo na magkayakap," medyo binilisan niya yung pagsalita hahahaha!

Halatang takot na takot ang mokong na 'to. "Ano," hindi ko yan tanong sa kanya,medyo hindi ko kasi nagustuhan yung narinig ko eh.

"Lauren it's not what you're thinking okay?" Hays. Pasalamat siya may tiwala ako sa sinasabi niya.

And I know he doesn't like Hannah. So pinalo ko siya at napaaray naman siya.

"Ba't mo ba kasi ginawa yun ha!" Sabi ko sa kanya. Loko talaga eh! "Eh kasi pagod na pagod ako kahapon. Nainggit ako kay Hannah kaya nung pag upo ko sa kama,inantok na rin ako," uhhhh.

Wawa naman bebe ko. Hahahaha! Iw kadiri.

"Sus. Osge na nga. Di naman ako galit sa'yo eh. Wag mo nang ulitin yun," sabi ko sa kanya.

Inakbayan niya ako at nag smile tapos sabay na kaming pumunta sa room.

Ayaw kong mag-away kami ni Adrian dahil sa mga ganitong bagay,alam ko na mahal niya ako and he will never hurt me.

Umupo na kami sa seats namin and the class started.

"Ms. Ramirez,can I talk with you later?" Tanong ni Ms. Jane sa'kin after her lecture,siya kasi first subject namin sa umaga.

"Yes ma'am," sagot ko at nag smile.

"Sabihan mo'ko kapag magtatanim na kayo ah. Tutulungan ko kayo. Kung bakit ba naman kasi walang lalaki sa grupo niyo," ba't parang kasalanan ko pa? Tch.

"Opo sir," sabi ko sa kanya sabay saludo kunwari,sinapak niya ako hahaha! "Punta muna ako kay Ms. Jane," sabi ko sabay alis. "

"Sge,bilisan mo,mamimiss kita," HAHAHAHAHA! Ang oa niyaaaaaa.

7 Years of Adrian and LaurenWhere stories live. Discover now