A New Start

4 1 0
                                    

Adrian's Pov

"Huy ano ba hindi ka kumakain. Kung di mo kakainin yang ice cream, akin na yan" ang ingay ingay ni Mika

"Edi kainin mo! Buraot ka!" Pagsigaw ko sakanya
"Ahhhh buraot pala ako ah!" Sinakal sakal niya ako

Hayop talaga. Siya siguro ang papatay sakin

Naglalakad na kami ngayon papuntang sakayan.

"Pero ano bang nangyari Adrian?"
"Things just got worse hahaha it happens"

Niyakap ako ni Mika. Napansin ko talaga kay Mika is napaka clingy niya. Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala na nagagawa naming mag sama kahit magkaiba kami ng course

"Mika bakit lagi mo akong sinasamahan?"
"Ha? Bakit bigla mo natanong?"
"Wala lang haha"

Tumahimik kami bigla. Im just amazed kasi despite sa course naming dalawa nagagawa parin naming magsama. Nagsasabay nga kaming mag study minsan eh

Isang linggo na mula nung pag uusap namin ni Lauren sa kubo. Nagsimula narin ang klase

--------------
From: Mika
Huy tara lunch?
-------------

Since wala kaming review nila John, sumabay ako kay Mika. Ilang araw na kaming ganito.

"Wala akong gana Mika"
"Bakit naman? Dali na oh. Susubuan na kita"
"Haha wag na Mika"
"Susss dali naaaaa"

Lumayo ako saknya. "Gusto mo ba ako Mika?" Tanong ko sakanya. Mabuti na yung klaro

"HAHAHAHA! Bakit mo naman naisip yan?" Sagot niya sakin. Hindi ako nagsalita at tinignan lang siya

"Eh bakit ka ganyan?"
"Anong ganito? Itong pagsubo? Ganito kasi concern ako sayo kasi kaibigan kita"

Okay sige. Baka naging assuming ako masyado. Mika was an unexpected friend. She's always so soft, always looking out for me. Maybe that's just the way she is.

It makes me think somehow na sobrang gago nung ex niya. How can he let go of such a good woman? Napapatingin nalang ako kay Mika at nakikita kong magiging sobrang swerte ng magiging boyfriend niya

She always takes care of people. Bagay talaga sakanya ang maging nurse pero she has a heart for taking care of the people around her

"Ad samahan mo ako bukas" saad ni Mika
"Saan?"
"Sa mall bibili lang ako ng kailangan namin para sa project"
"Okay"
______________________
Andito na kami sa mall ngayon. Nakakita ako ng carousel and I remembered nung sumakay kami ni Lauren sa carousel dati. Haha tawa kami ng tawa nun. Ang saya saya namin

"Huy Adrian! Hahaha sobrang bangag mo. Halika na. Nabili ko na ang dapat bilhin"

Umalis na kami and out of all the people nakita ko nanaman si Lauren. Wala na bang ibang tao na pwede makita? Why do I always bump into her

She saw us. Kami ni Mika but when she saw us bigla siyang umiwas ng tingin then parang may kinausap sa phone

"Ang tagal mo nanaman. Jusko Allen. Kanina pa ako nag hihintay" narinig kong sabi ni Lauren

Ahh so she's waiting for Allen.

Nadown nanaman ako. Sinundan ko nalang si Mika. Kaso akala ko sa sakayan na kami pupunta pero bigla andito kami sa park. Hindi ko man lang napansin

"Bakit tayo andito Mika?" Tanong ko sakanya sabay upo dun sa isang bench sa park. Nanatiling nakatayo si Mika habang nakatalikod sakin

"Gusto kita Adrian" saad niya ng nakatalikod parin sakin. Tama ba yung narinig ko?
"Ano? Di ko gaanong narinig Mika" saad ko

7 Years of Adrian and LaurenWhere stories live. Discover now