Exchange

5 1 0
                                    

Lauren's Pov

Kinakabahan akoooooo! Marunong lang akong mag volleyball pero di ako magaling. Sana naman di ako makita ni Adrian dito na naglalaro HAHAHAHA! Nakakahiya eh.

Ba't ko ba iniisip si Adrian?! Hays. Ngayong klaro na sa'kin ang lahat,parang nahihirapan tuloy akong makipag-usap kay Allen.

May baseball pa naman siya ngayon,sana okay ang laban nila. Ano kayang sinalihan ni Adrian? Aaaàhhhhhhhhh! Self,tama naaaaaaa!

"Lauren,focus ka ha? We need to win this game!" Ang dedicated naman ng captain namin,sana ol HAHAHAHAHA! Teka,kalaban namin si Mika? Shet. Lalo akong di maka focus. Lalo kong naaalala si Adrian. Aish.

Gusto ko siyang tamaan ng bola sa mukha pero alam kong aalagaan siya ni Adrian kaya wag na lang.

Binalewala ko yung pagmumukha ni Mika at nagfocus sa laro. Sana manalo kamiiiiii. May ambag naman ako sa mga game namin eh,tamang bantay lang haha. Di ako pabuhat no! Maya-maya,after the game,I saw Mika went to Adrian.

Akala ko pa naman ako yung tinitingnan niya,nakatingin pala siya sa iba. Haha. "

"Nice game Lauren! Marunong ka palang mag volleyball," then inappearan ako ni Allen. I just smiled and yumuko.

"Uy what's wrong? Aren't you happy na nanalo kayo?" "Happy syempre! Nasasaktan lang ako sa nakikita ko," tapos tumingin ako sa direksyon nina Adrian at Mika.

"Oh,so he's the ex. Now alam ko na kung sino yung susugod at susuntok sa'kin anytime," "Alam mo siraulo ka talaga!" Tapos tinapunan ko siya ng towel haha.

"Joke lang. I just wanted you to smile," tapos he smiled at me. Hay Allen. Thank you for always making me happy.

"Kamusta baseball?" Papunta kami ng restroom. Magbibihis ako eh. Nagpasama ako kay Allen. "Ayun,talo haha. Mukhang may galit masyado yung ex mo sa'kin kanina eh. Hindi ko naman alam na siya pala yun,pero nung tinuro mo,dun ko lang nalaman kung bakit ang sama ng tingin niya sa'kin," yumuko lang si Allen habang nagkukwento sa'kin. Anyare dito?

"Kung susuntukin ka ba ni Adrian,papatulan mo ba siya?" Naisip ko lang itanong kasi gusto ko malaman yung sagot niya.

"Depende sa lakas ng suntok niya," pero this time,hindi niya ito pabirong sinabi. "Ba't bigla ka naging seryoso?" Malapit na kami sa restroom.

"Ewan ko. Masyado akong affected sa'yo," medyo nailang ako sa sinabi ni Allen. I don't know how to react. Dumiretso lang ako sa paglalakad.

"Pakihawak ng bag ko. Papalit lang ako," dinalian kong pumasok ng cr kasi awkward yung sitwasyon. Ano na Allen? Friends pa rin ba tayo? Jusko ayokong mag-assumeeeee!

Narinig ko yung boses ni Mika,baka nag cr siya. Lumabas agad ako ng restroom. Salamin lang ng konte hahaha! Paglabas ko,I saw Adrian and he was holding Mika's bag.

Nilampasan ko siya at inalok si Allen na umalis na. Pero bago pa man kami makaalis,kitang-kita namin ni Allen yung pagyayakapan ni Mika at Adrian. Sht.

Kumirot ng sobra yung puso ko. Parang tutulo na yung mga luha ko. Kinuha ko yung bag ko kay Allen at binilisan yung paglakad ko.

"Lauren wait!" Rinig na rinig ko yung sigaw ni Allen pero ayokong lumingon kasi baka dun pa ako umiyak.

"Lauren,no. You won't cry here," I'm convincing myself not to cry. Not to feel the pain but I just can't. Gusto ko nang umuwi. "Lauren,hey,hintayin mo naman ako," naabutan ako ni Allen. He grabbed my arm.

"Are you okay?" Then he looked at me. "No," there,teary-eyed na ako. Hindi ko na 'to kaya. "Allen,I just want to go home," "I'm coming with you," sinundan lang ako ni Allen. He didn't talked.

Huminto kami dun sa isang liblib na part ng school,wala rin kasing tao. Nilingon ko si Allen dahil nasa likod ko siya. Then I ran towards him and cried. Di ko na talaga kaya.

"Allen,bakit ba kami kailangan humantong sa ganito? It's all clear to me na mahal ko pa rin si Adrian. I can't bear to see him with someone else," patuloy ako sa pag-iyak. He hugged me.

"Sigurado ka bang mahal mo pa siya? Baka mahal mo lang yung memories na meron kayo,but not Adrian," natauhan ako sa sinabi ni Allen sa'kin. I stopped crying and wiped my tears.

"Alam ko na nagseselos ka kay Mika,but that's merely because you don't want to see Adrian with someone else," Maybe Allen's right. Baka ganun nga. Hay.

"Thank you ha? Sorry nabasa ko yung shirt mo," "Sge,palitan mo na lang para di ka makonsensya," sinapak ko siya. "Anong shirt ba gusto mo?" "Yang jersey mo," "Ayoko nga! May apelyido ko 'to oh! Tch," "I don't care,kahit pangalan pa yan ni Adrian,basta akin na. Then I'll give you mine," "Pang lalaki yan eh!" "Aish. Di mo naman susuotin eh! Souvenir lang. Remembrance kumbaga," sabagay.

"Osge na nga. Oh akin na," hiningi ko rin agad yung damit niya haha. "Wag ka na umiyak ha? Promise wala akong sasabihan na umiyak ka," tapos he smiled. Adayy. "Thanks Allen,sobrang salamat," tapos I hugged him.

Nung namalayan ko na medyo awkward yun,I let go immediately. "Hehe sorry. Na-carried away lang,lika na! Uwi na tayo!" Sabi ko sa kanya saka unang naglakad. Hahay.

----------
FINALS NAAAAA! Yes readers! You read it right. Tapos na ang first sem namin and I can't wait to have my vacationnnnnnn!

"Lauren finals na! Lapit na bakasyon,mamimiss kita," haha ang lambing talaga ni Allen. Muntanga lang minsan.

"Oo nga," "Mamimiss mo din ako?" Sabi niya sabay tingin sa'kin. "Syempre naman!" Sabi ko then I smiled. "Nagkita na kayo ni Adrian?" Mula nung umiyak ako sa harap ni Allen,he always checked up on me kung nakapag-usap na kami ni Adrian. I shook my head.

"Sge lang ha? Maybe now's not the time," tapos he smiled at ginulo yung buhok ko. Haha. Loko. Sana makapag-usap na kami ni Adrian.

Naiilang rin kasi akong kausapin siya. At di kami nagpapansinan. Pasado kaya siya sa subjects niya? Regular kaya siya next sem? May nagegets ba siya sa mga professors niya? Hay. Gusto ko siyang kamustahin.

Pinag-isipan ko rin yung sinabi sa'kin ni Allen. Na baka inlove lang ako sa memories,hindi kay Adrian mismo. "Nakakaproud ka Lauren! Kahit broken ka, naka 3rd honor ka pa. Sana ol," siraulo talaga 'to si Allen haha.

"Sus. Kaya mo rin yan no! Ikaw pa ba!" Tapos ginulo ko yung buhok niya. Tinigilan na kaming tuksuhin ni Regine,natakot ata sa banta ko. HAHAHAHA! Hahay. I hope I can survive the next sem to come.

Grabe yung bakasyon ko! Hahaha! Di pa rin kami nagkikita at nag-uusap ni Adrian. Haha. Pero si Allen ang lagi kong kasama.

Kilala na rin siya ni Mama dahil madalas kaming nagkikita at kumakain sa labas. Naging close talaga kami ni Allen,as in super close.

Buti na lang kahit papano nakakalimutan ko si Adrian dahil sa kanya. Enrollment na bukas hays. Nakakatamad pa pumasok ehhhhh! What can I do? Haha. I need to make my family proud.

----------
Enrollment day naaaaaa! "Hoy anong oras ka pupunta?" Tinext ko si Allen. "Mamaya pa. Tinatamad ako eh," aish.

Walang kwenta talaga 'tong lalaki na 'to! Habang busy ako sa pagtetext,nakita ko ulit yung kaparehas ni Adrian ng sapatos.

Tumingala ako para malaman kung sino,si Adrian pa din. He also looked at me. Parehas kaming di nagkibuan.

Parang di namin alam yung gagawin haha. Ang awkward eh. Umiwas ako ng tingin at umupo sa bakanteng upuan. Jusko.

Matagal niya na ba akong tinitingnan? Nakita niya kaya na si Allen ang katext ko? Aaaahhhh! Ano bang pake niya? May Mika na siya diba? Edi sila na yung masaya! Sana ol.

Hay. Ewan ko sa sarili ko. Nag-enroll na lang ako. Bahala na si Adrian.

7 Years of Adrian and LaurenWhere stories live. Discover now