In a Relationship

4 1 0
                                    

KAMI NA NI LAUREN! Yuhoooooooooo!

Totoo lang grabe yung kaba ko. Like habang gumugupit ako ng papel na gagamitin ko dun sa surprise, nanginginig ako.

Halos mataboy ko na nga si Lauren nun at hindi ko siya kinikibo eh

But as I saw her reaction, it just makes my heart happy.

Sumakit pa nga tuhod ko sa pag luhod. Hay nako talaga na babae hahahaha she took time looking around eh and tinignan niyo ako ng medyo matagal before she said yes

But even so, kahit kaba, pagod, at sakit ng tuhod, hahahaa everything was worth it. Because now, Lauren is mine and I belong to Lauren

Pareho kaming first time pumasok sa relasyon kaya hindi rin namin alam paano ba dapat HAHAHAHA

Paano nga ba?

Totoo lang we're still acting like usual hahaha. Wala kaming pinagsabihan na kami na hahahaa. We just want everything as usual

Kasi kahit kami na, mag bestfriend parin kaming dalawa.

Nothing out of the ordinary but here comes this year's leadership training.

Pero may pakulo ang school namin. Kami kami lang daw muna. Like school based siya

Hahahah ang boring naman nun pero this time, all levels is kasali.

Kasama ko nanaman si Lauren and also Zyra. Jusko naman. Bakit naman kasi lagi kaming kasali tatlo sa mga ganung activity.

1st day na ng event ngayon. And since kami ang pinakamatanda dahil nag retreat ang seniors, samin dinistribute ang pag lead ng bawat grupo.

I was a leader myself and also Lauren. And guess what? Kagrupo ni Lauren si Zyra. I really hope this will work out

Opening night na namin and our very first task is to cook our own food.

HAHA! Easy. Nagluluto rin naman ako sa bahay kaya alam ko 'to.

Ang challenge is may limited kami ng ingredients at dapat mapagluto parin kami and mapag kasya namin yun sa anim na tao dahil 6 members per group including the leader

Katabi lang ang lutuan namin ng grupo nila Lauren.

Everything is fine with our group but I can see na sa grupo nila Lauren is hindi.

Alam kong hindi marunong magluto si Lauren and baka pati yung mga kasama niya.

"Blehhh patapos na kami oh hahahaa!" Ang ingay talaga netong bestfriend ni Zyra. Sa kanilang magkakaibigan, siya lang ang nahiwalay at napunta sa grupo ko.

"Lauren, kaya niyo yan" pag e-encourage ko kay Lauren.

Ngumiti lang siya sa akin pero kitang kita ko sa kanya na inis at down na siya.

Grupo namin pinaka mabilis natapos at nakakain. Samantalang kila Lauren,sobrang lata nung gulay.

Alam kong gutom 'to.

Pinapaprepare na yung iba for the program.

"Pst Lauren. Halika dito" pabulong na tawag ko kay Lauren

I hugged her agad agad

"Ayos ka lang ba? Mukhang pagod ka" saad ko sakanya
"Eh kasi yung mga kagrupo ko, hindi kumikilos at gutom ako" adayy sabi na nga.
"Fear no more hahahaha" saad ko sabay abot ng paborito niyang kwek kwek hahaha

Minsan naiisip ko buti walang highblood si Lauren. Ang hilig sa kwek-kwek eh

"Paano ka nakabili neto? Bawal lumabas ah?" Tanong niya sakin
"Ganyan talaga nagagawa ng charm. Hahahaha" tinignan niya lang ako ng masama at nag simula ng kumain hahahaha

7 Years of Adrian and LaurenWhere stories live. Discover now