Effort

11 1 0
                                    

Hindi ko akalain na papayag si Lauren sa offer ko. Hahahaha. Pero seryoso. I'm just testing myself. Do I like her? Or not?

Sarili kong feelings, hindi ko alam. But I must focus on the dare. Ayaw ko rin naman matalo.

Hindi parin naman ako sure sa feelings ko kaya malaki pa ang chance na mananalo ako hahaha maybe I'm infatuated kasi lagi ko siyang kasama and after Zyra, I found her reliable pero ang tanga. Bestfriend nga diba, Francis? Of course she's reliable! Ambobo.

Pero I'm thinking, how am I going to make her fall for me? Pero kasi I can't help but to think bakit siya pumayag. If you think about it, its not logical. Either way we'll lose. Because what if one cannot catch the other? Masasaktan namin ang isat isa

But I'm willing to take the risk. Baka pati si Lauren.

*The day after the dare

Papasok akong walang baon na banat kay Lauren. Alam kong hindi uubra ang kahit anong material na bagay kay Lauren. Sabi pa nga nya dati sakin "Alam mo I really hate receiving flowers. Feeling ko sayang lang ang pera. Kung pagkain nalang sana yun, okay pa" amburaot talaga na babae. Liit liit lakas kumain.

BUT THAT'S IT! Bibili na lang ako ng chocolate hahaha yung paborito niya. Yun nalang bibigay ko.

"Hoy Lauren" saad ko sakanya nung nakita ko siya. Nalate ako dahil sa pag bili ng chocolate.

"Hello Adrian" aba ang bait. Ahhh akala mo ah. "Eto oh chocolate para sayo. Alam ko paborito mo yan 😊" sabi ko.

"Ay sorry hindi ko feel kumain ng chocolate ngayon pero thank you" ang harsh. Bantay lang makita ko na kainin nya yun maya. Argh.

Magkatabi kami sa upuan at lagi ko siyang nakikita na tingin ng tingin sakin. Ano ba to. Sabihin nya lang kung gusto niya titigan ang gwapo kong mukha. Haharap naman ako eh.

Nung humarap ako sakanya, nag snob ba naman. Sumusobra na attitude ng babaeng to ah!

"Wag ka ngang assuming Adrian. Tinitignan ko yung bintana" saad ni Lauren. Ediwow. Lumabas muna ako saglit. Ang iksi pa naman ng pasensya ko.

Tapos nung pabalik na sana ako nakita ko si Lauren na patago kinakain yung chocolate. Hindi pala feel kumain ng chocolate ah. Ang sama talaga ng ugali.

"Hindi mo feel kumain nyan ah pero mukhang sarap na sarap ka" saad ko sakanya.

"Heh! Tumahimik ka!" Hahahahaa ang cute. Parang nuno na nagagalit

"Saan mo gustong mag lunch?" Tanong ko.
"Kahit saan" sagot niya.

Ayan nanaman tayo sa kahit saan. Pangarapin ko ngang magpatayo ng kainan na ang pangalan is KAHIT SAAN. Parang sagot yun sa lahat ng problema ng mga hindi alam kung saan kakain eh

"C'mon tell me. Tell me what you want. Okay? Ikaw ang masusunod 😊 ibibigay ko kung ano ang gusto mo" sabi ko sakanya.

"Paano kung ikaw ang gusto ko?" Sagot niya and when I heard that, my heart skipped a beat tapos siya parang nag act lang na pabaril baril na nagpapacute. Wtf.

"Charot hahaha sige na nga. Hindi na ako magpapakipot. Hahahaha gutom na ako eh"

Nagpatuloy lang ang araw. Hinatid ko naman siya pauwi sa kanila

Minsan iniisip ko talaga kung naka move on na ba ako kay Zyra. May mga times parin talaga na ini-istalk ko parin siya at tinititigan.

Pareho lang kami na nasa star class eh. Nasa iisang building lang kami kaya hindi talaga naiiwasan na nagkakasalubong kami.

Zyra is still damn beautiful in my eyes.

*kinabukasan

"Adrian. Pupunta kaming Gensan bukas" pambungad sakin ni Lauren. Teka bakit biglaan?

Lauren's Pov

Hayyyyy. Hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos maisip bakit ako pumayag sa dare ni Adrian. Di kaya may gusto na rin ako sa kanya? Or are we in the same dilemma na inaassure pa namin yung feelings namin sa isa't isa? Aishhhhhhh! Ano ba 'to! Nakaka confuse.

Pero napapansin ko na medyo distracted pa rin siya kay Zyra. Mabuti na rin siguro yun para ma-clarify niya na yung feelings niya para sa'kin. Para kay Zyra,ay ewan! Nahuhuli ko pa nga siya na iniistalk niya si Zy e.

Shut up na lang ako kasi alam kong idedeny niya lang rin yun. "Ms. Ramirez, can I talk to you for a moment?" Tinawag ako ni Ms. Jane,teacher namin sa Science. "Yes ma'am? Ano po yun?" Char. Ang hinhin ko diba? Ganyan talaga.

"Will you be available tomorrow? I want you to go to GenSan for a seminar. One day lang yun and you will be with your parent. If you'll agree,we'll call your mother right away," grabe si Ma'am. Excited masyado. Parang si Adrian din e.

"Sige po Ms. Jane,I will call her to confirm," tinawagan ko agad si mama at sinabi kong libre LAHAT para wala ng pasikot-sikot. "Ms. Jane,pumayag po si mama," "Okay. I will wait for you here in school tomorrow morning. 5am SHARP," buti na lang morning person ako.

"Sge po. Thanks Ma'am," grabe naman yung seminar na yun. Agad agad talaga! Hay. Sasabihan ko si Adrian about dito,baka ma'miss niya ako. Yieeeeee iw HAHAHAHAHA. "Adrian, pupunta kaming Gensan bukas," gulat na gulat din siya.

Adrian's Pov

So ayun inexplain sakin ni Lauren lahat bakit pabigla bigla siyang pupunta ng GenSan.

"Sana all niyayaya papuntang GenSan" pang aasar ko sakanya.

"Mamiss mo rin ako?" Tanong niya sakin. "Syempre naman. Not having you in a day is like a year" sagot ko sakanya. Napansin ko na ang pag kamatis ng mukha niya hahaha

Bakit hindi ko to napansin nung kinantahan ko siya? Ang ganda niya pala.

Before kami umuwi nilibre ko muna siya ng paborito niyang kwek kwek hahaha kasi hindi na kamk magkikita bukas. 5am alis nila eh.

Im gonna prepare a surprise when she comes back.

-------

So heto na yung araw ng alis ni Lauren papuntang GenSan hahaha natatawa ako samin. Like babalik rin naman siya bukas HAHAHAHAHA! Pero ang cute parin.

There's this small room na hindi na ginagamit sa school and I took advantage of it. I made a little surprise for her here.

I really hope na ma-appreciate niya effort ko. Shet. Ampangit ng writing ko. Naisip ko namang magpaprint nalang kaso mas effort kung sulat kamay.

I closed the door of the room bago umalis para siguradong wala makikialam dun.

-------

MAKIKITA KO NA SI LAUREN! Oh dba hahaha ang OA talaga namin. Parang dumaan lang yung araw pero seryoso, I was really lonely nung wala siya.

She came a period late pero considered yun kasi nga galing siyang seminar kahapon. The moment I saw her, bumilos ang tibok ng puso ko.

Damn it heart. Stop it. Pinalo palo ko yung dibdib ko pero it still wont stop. Ang ginawa ko nalang ay iwasan si Lauren.

Kumakaway na siya sa direksyon ko pero tinalikuran ko siya. "OY ADRIAN!" Sigaw niya sakin pero hindi ko siya nilingon.

Hays paano niya ba to maiintindihan. Sigurado akong sasama naman ang loob nun. Pero this damn heart. Shit.

7 Years of Adrian and Laurenحيث تعيش القصص. اكتشف الآن