Making Up

10 2 0
                                    

Lauren is still mad at me. She wont talk to me. Ang bobo ko naman kasi. I dont know what to do. Im eaten by the thought that Zyra rejected me.

I hate being rejected.

Parang I feel so worthless because of rejection. Parang wala man lang siyang balak pakinggan kung ano palang yung sasabihin ko

But I realized, am I not rejecting Lauren all this time? Like, she always remind me to be cheerful but it seems like I have no intention of listening to her.

Tama na. Bangon Adrian. Its time to wake up or you'll lose your bestfriend.

"Lauren" pagtawag ko sakanya but she wont answer me.
"Uy Lauren" kinalabit ko siya ng kinalabit at hindi tinigilan
"Anooooooo?!" Wow galit.
"Uy sorry na Lauren" sabi ko
"Do you even know what you're sorry for?" And that left me speechless. Bakit nga ba ako nag sosorry? Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko lang, gusto kong mag bati kami.

THINK ADRIAN. THINK.

*the next day

"Sorry kasi I've been out of my mind lately. Sorry kasi hindi na kita masyado nakakausap at napapansin. Sorry for being irresponsible af. I know you have been always there but I chose to ignore you. Sorry if I let myself drown with sadness even though knowing that there is still you, and there is still joy. Sorry,Lauren."

Matapos kong sabihin ito sakanya, inabot ko yung kwek kwek na binili ko. Paborito nya yun eh.

Please kunin mo. Kunin mooooo.

Kinuha nya at kinain. OLRAYT.

"Alam mo, pag kinain mo yan ibig sabihin bati na tayo" dagdag ko pa but she just rolled her eyes but still eating hahahaa hay nako Lauren.

Im really thankful for this girl. Grabe. Sobrang blessed ko na naging kaibigan ko siya. She didn't gave up on me. I wont give up on you too, Lauren. I promise.

PROMISE. I just suddenly remembered how big deal that word is for Lauren.

*One year ago

"Oo promise dadalhin ko bukas" saad ko kay Lauren

Kinabukasan---- "Asan na Adrian?" Halaka. "Sorry Lauren nakalimutan ko"

"Adrian, sure ka bang makakapunta ka bukas?" ----- "Lagi promise" pero hindi ako dumating.

Marami pang promise ang nabitawan ko sakanya na hindi ko natupad. Promise is just an easy word for me. Easily uttered, easily broken. But then one day, Lauren confronted me

"Adrian, can you stop making promises na hindi mo naman tutuparin?" Saad ni Lauren
"Okay" sabi ko
"Its not that easy Adrian. Alam mo bang sobrang big deal sakin ng salitang PROMISE? Kasi everytime, my father promises me na uuwi siya, na makikita ko na siya but also lagi rin hindi natutupad. Ilang years ko ng hindi nakikita si papa and still Im waiting for that promise of his to come true. Dahil dun malapit na talaga akong sumuko sa thought na may halaga ang salitang yan. Wag mo na dagdagan"

*end of flashback

Im speechless that time pero dahil dun mas iningatan ko ang pag sabi ng pangako lalo na saknya. It made sense to me even more. And it made me learn na dapat pag nangako ka, gagawin mo talaga.

And I promise not to give up on you Lauren. Whatever happens.

December naaaaa hahaha skl. So ayun eto kami ngayon nagdedecorate ng room para sabihin masaya kami. Joke. Hahahaha

Meron kaming parang mini park sa room hahaha ang cute. Ang gandang tambayan. So ayun kaming mga tambay, tinambayan talaga namin 😂

Marunong akong kumanta. Share ko lang din hahaha hindi naman magaling but marunong. Nagjajaming lang kami nila Lauren kasama ng ibang tropa. Naisip kong tripan si Lauren hahahaha

"Oh, her eyes, her eyes make the stars look like they're not shinin'" bale sinayawan ko si Lauren habang kumakanta sabay pahawak hawak sa mata niya

"Her hair, her hair falls perfectly without her trying" tapos tamang haplos sa buhok niya. Grabe ang tigas hahaha joke

"She's so beautiful and I tell her everyday"

"When I see your face
There's not a thing that I would change 'cause you're amazing
Just the way you are
And when you smile
The whole world stops and stares for a while
'Cause girl you're amazing
Just the way you are
Yeah"

These words fit Lauren. So I sang it to her seriously and looked at her. I made her stand up and sinayaw ko siya with the song. Smiled at her genuinely. Pero bigla siya tumakbo palayo. Anyare dun?

"Oy Lauren bakit ka bigla umalis kanina?" Tanong ko sakanya.

"Wala naiihi na ako ng sobra eh" sagot niya sakin. Awh okay. Pwede naman niyang sabihin eh. Daming alam.

"Uy si Lauren grabe ang pula kanina parang kamatis HAHAHAHAA" sabi ni Ella

Tapos narealize ko na bilog pala mukha ni Lauren kaya mukha talaga siyang kamatis pag namula HAHAAHAHA YWQNA.

"Tumahimik nga kayong dalawa. Tsaka anong namula, baka ikaw Ella!" Saad ni Lauren.
"Oh bakit sakin mo pinupunta? Pumula ka talaga kanina nung kinakantahan ka ni Adrian! Aysus gurl" dagdag pa ni Ella

Namula pala si Lauren dun. Hindi ko gaano napansin. Maitim siya eh HAHAHAHA joke.

"Ikaw Lauren ahhhh baka crush moko hahaha hindi kita masisisi *pataas taas ng kilay* gwapo naman ako" pang gagatong ko kay Ella hahaha

Sinapak sapak lang ako ni Lauren hahaaha tawang tawa kami ni Ella

Ngayon pa-end nanaman ang school year hahaha time flies so fast. Mas naging close pa kami Lauren. Come to think of it. 2 yrs narin kaming magkaibigan hahaha marami ngang nagsasabi na baka kami daw.

Hahaha sana all baka. Hehehehehe so lame. Pero paano nga kung ganun? Ready ba ako? Ready ba si Lauren? Ready ba kami?

"Lauren"
"Oh?"
"Paano kung maging tayo? Payag ka?"

7 Years of Adrian and LaurenWhere stories live. Discover now