Dare

9 1 0
                                    

Lauren's Pov

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. I was out of words. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa utak nitong si Adrian at bigla niya akong tinanong ng ganun.

No choice na no choice na ba talaga siya sa pag-ibig at ako yung napili niya? Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Dapat ba akong mainis? Kiligin? Mandiri? Hindi ko talaga alaaaaaaaaaaam! Napalunok na lang ako at ngumiti ng bahagya. THIS IS SOOOOOOOOOOO AWKWARD!

Gusto kong magpalamon sa lupaaaaaaa! "S-s-seryoso ka b-b-ba?", oh great. Ang smooth Lauren ha. Sobrang smooth. "Oo. Do I look like I'm joking?" Aba. Di nga nagbibiro ang mokong na 'to. "Bakit mo ba biglang naisip yan?!",tumaas ng bahagya ang tono ng boses ko.

"Hindi ko rin alam. Just answer the question Lauren," wow. Siya pa yung may gana magalit. "Wow Adrian. Ang demanding ah. Seryoso ka man o hindi,ayokong pumayag sa gusto mo. Ayokong masira yung friendship na meron tayo."

Seryoso kong saad sa kanya. He doesn't look convinced. Ang cold pa rin ng mukha niya. "I'll make sure na hindi masisira ang friendship natin. I promise," ayan nanaman sya sa mga pangako niyang laging napapako.

I really hate it when someone makes a promise to me tapos di rin tinutupad. Nasasaktan ako. "You know how much the word PROMISE means to me. Wag kang padalos-dalos sa mga sinasabi mo Adrian. Mas mabuti pa na wag ka ng mangako kung alam mo rin namang hindi mo kayang panindigan", bigla na lang naging awkward yung atmosphere.

Lumapit sya ng kaunti papalapit sa akin. "Sige. If you don't want this,I won't force you. Sorry Lauren," then he hugged me. Buti na lang nagets niya ako. Thank goodness! "Tara,kain tayo" sana all nanlilibre.

Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan yung kamay ko papuntang canteen. Nanlaki yung mga mata ko. Siraulo talaga 'tong si Adriaaaaaan! Sinasabi ko na nga ba may iba 'tong balak eeeeeee! "Hoy! Akala ko ba you won't force me?! Ano 'to?!", dahan-dahan kong tinatanggal yung kamay ko na nakahawak sa kamay niya. "Oo nga. I didn't force you na hawakan kamay ko,so ako na lang gumawa," nanggigigil talaga ako sa lalaking 'to. Ano bang ginawa ni Zyra sa kanya at naging ganito siyaaaaaa! Ayoko naaaaa!

Grabe. Hindi pa rin maalis sa isip ko yung ginawa ni Adrian kahapon sa'kin. Siraulo talaga siyaaaaaa! Ang sweet niya sa'kin.

Nilibre niya ako kahapon ng lunch at recess namin. Tapos he was always holding my hand. Nagsa'smile na siya unlike before. Sinasabayan ko na lang yung trip niya. "Bakit mo ba ginagawa 'to?" He keeps on snobbing me. Dina-divert niya yung topic. Kainis. Sana matauhan na siya at hindi na siya ganun bukas. It's really distracting me.

THE NEXT DAY

Medyo hindi ako excited pumasok ng school. Iniisip ko si Adrian. Sana talaga matauhan na siya at tigilan niya na ako. Pagpasok ko ng school,nakita ko siya agad.

I hesitated kung papansinin ko siya o hindi. Since hindi niya rin naman ako nakita,dumiretso na lang ako ng classroom. "Lauren!" Wow. Akala ko hindi nya ako napansin.

Nakaligtas na sana ako sa awkwardness. "Hello!" kunwari hindi ako naiilang. Hindi kami nagsasalita habang naglalakad papuntang classroom. "Aray!" May saltik talaga 'tong lalaki na 'to! Bigla niya naman bang sinapk yung noo ko at tumakbo! Humanda ka sa'kin mamayaaaaaa!

Tawang tawa yung mokong pagkaupo niya sa upuan niya. Mabuti na lang at wala pa si Ma'am. "Aray Lauren!",HAHAHAHAHA buti nga sa kanyaaaaaa! Ginantihan ko rin siya,syempre di ako papatalo no! Tinawanan ko rin siya tulad ng ginawa niya sa'kin.
HAHAHAHAHA!

Habang papunta kaming canteen,nagbibiruan na kami sa isa't isa. Nagsasapakan. The usual na ginagawa namin ni Adrian. Hanggang paguwi,tawa kami ng tawa dahil sa mga pinanggagagawa namin dalawa. Ngayon ko lang ulit nakitang masaya si Adrian after Zyra rejected her. Umuwi akong walang iniisip. Hay. Buti naman at natauhan si Adrian.

Masaya akong pumunta ng school ngayon. Hindi ko napansin si Adrian. Itetext ko na sana siya kung nasa room na ba siya,tapos biglang may humawak ng kamay ko.

Pagtingin ko,si Adrian. Ngumiti sya sa'kin saka hinigpitan yung hawak sa kamay ko. Gulat na gulat nanaman ako sa mga nangyayari. Sumabay kaming naglakad papunta ng classroom.

Mabuti na lang busy sa pagtsismis yung mga kaklase namin. "Hoy. Ano nanaman 'to?!",pabulong kong tanong sa kanya. "Gusto ko lang." Wow. Yun na talaga yung best niya na sagot sa'kin.

Hindi ko siya pinansin buong klase. Nanggigigil ako eh. Nauna akong lumabas ng classroom para mag lunch. "Tch. Good thing di nya ako sinundan," bulong ko sa sarili ko. Baka kasi ano nanamang gawin niyang kababalaghan.

"Akala mo di kita susundan ah," oh great! "Ano ba kasing gusto mo?!" Medyo tumaas ang tono ng boses ko. "Ikaw" diretso niyang sagot. Lumaki yung mga mata ko sa sagot niya. "Siraulo ka talagaaaaa!" Tapos sinapak sapak ko siya. "O-oy! Bakit! Masama ba ang magustuhan ka?!" Aba! Dinagdagan niya pa! "Ewan ko sa'yo! May saltik ka na talagaaaaa!" Patuloy ko pa rin siyang sinapak. Umalis ako. Pumunta ako sa lounge namin. Nakakainis talaga si Adrian!

Tumagal ng halos isang buwan na ganun si Adrian sa'kin. Napagod na akong magtanong kung bakit niya ginagawa yun.

Pinapakisabayan ko na lang siya sa trip niya. Iniisip ko na baka ganito siya dahil kay Zyra. He'll act like he's my bestfriend,the next day he'll act like he's into me. Hindi ko na kinaya so I decided to confront him.

"Hoy. Kita tayo sa park this 3pm. Wag kang mawawala ah." Tinext ko siya. I just want to clear things up. Hindi ko alam kung pinagtitripan niya lang ako or what. "Okay. I'll come,I promise," sana lang totoo yung promise niya na pupunta siya.

AT THE PARK

Nauna siya sa akin. Himala. "Hey. Ano yung gusto mong pag-usapan?" Grabe. Hindi pa nga ako nakakaupo,tanong agad.

"I just want to clear things up. Hindi kasi kita naiintindihan. Minsan you act like my bestfriend, the next day you act like you're into me. Ano bang nangyayari sa'yo Adrian? Is this still because of Zyra?" Kagabi ko pa po yan pina-practice dahil kinakabahan ako sa isasagot niya.

Nakatingin lang siya sa kawalan. Baka bumubwelong sumagot. "I don't know. I'm just testing myself if I really like you or not," Ano daw? Parang medyo nabingi ako. "Anong sabi mo? If you LIKE me? Seriously?!" Okay.

Medyo hindi ko inaasahan yung sagot niya ah. "Oo,seriously. Kaya nga tinetesting diba? Wag ka naman masyadong assuming Lauren. We're still young kaya ayaw ko magpadalos-dalos," grabe. Sobrang bihira ko lang marinig mag seryoso 'tong taong to. Ganito pala siya pag naging seryoso. Parang tatay ko. (Charot)

"Exactly my point! We're young pero kung anu-ano na yang ginagawa mo," wala na akong masabi. Sorry naman. "Sige. Let's make a dare," I don't like this. May binabalak nanaman 'to e.

"Kung sino man yung unang maiinlove,siya yung talo," aba! Ang lakas ng loob. "Sige! I'll take the dare!" Energetic na energetic masyado ang lola niyo. Akala niya aatrasan ko siya ah.

"Matapang ah! The dare will start TOMORROW. Okay?" Di naman siya masyadong excited no? "Okay. Kung sa'n ka masaya," then tumayo na ako para umalis.

"Paano kung sa'yo ako sasaya?" Yak. Nakakadiri si Adrian. Buti na lang nireject siya ni Zyra,ang malas niyang babae kung sakali. Char. HAHAHAHA! "Kaso hindi ako sa'yo sasaya e,sorry," oops.

Akala niya madadala niya ako sa mga banat niyang hilaw. THE GAME IS ON! Papatunayan ko sa kanya na hindi ako matatalo. Will his plan work? Malalaman niya kaya kung gusto niya ako o hindi? Hayyyyy

7 Years of Adrian and LaurenWhere stories live. Discover now