Prologue

2.5K 57 13
                                    

Sine Amethyst

“Marry me Ken!” I shouted while they're performing in a mall show. Ang gagaling nilang lahat kaya naman fan na fan ako ng SB19. Pero alam nyo ba kung sino talaga ang pinakasinusubaybayan ko sa kanila at talagang hinahangaan ko ng sobra?

Walang iba kundi si Ken! Si Felip Jhon Suson, ang main dancer ng SB19.

Nang matapos na silang magperform ay pumunta ako sa may labas ng dressing room nila. Nagtataka ba kayo kung bakit hindi ako sinisita dito? Well, I'm the only daughter of the owner of this mall. Perks of being Stone.

“Hi! Congratulations for another successful mall show. Here, please take my gift” Inabot ko sa apat ang regalo ko. “Thank you, Sine Amethyst” Si Sejun. Kilala na nila ako dahil suki ako ng mall shows nila. Bukod doon, ako rin ang humarap sa kanila nang humingi sila ng permiso na gamitin itong mall.

“Uhm, hi Ken. Ito nga pala yung gift ko. Sana magustuhan mo” Inabot ko sa kanya ang isang maliit na box na naka wrapped. Tinanggap nya ito bago bumaling sa akin dahil nagsalita ako.

“Ken totoo bang may d—dinedate k—ka?” Nagstutter pa ko habang tinatanong ko sya. Wala eh, kabado ako.

He look at me with no emotion at all. “Paano kung oo? Titigilan mo na ba ako?” He asked me using a cold tone. It sent chills to my whole system and somehow, I felt pain.

Matapang kong sinalubong ang mga mata nyang walang emosyon na ngayon ay nakabaling sa akin. “Kung oo, magiging masaya ka ba?”

He smirked. “Hindi lang masaya, masayang masaya pa” Tila balewala lang nitong sabi. Sh*t ang sakit. Tumalikod lang ako at humakbang nang palayo. Narinig ko namang pinagsabihan sya ng mga kagrupo nya.

Ang sakit sakit talaga na wala kang halaga para sa taong hinahangaan mo ng sobra.

——————————

A/N : Another fanfic guys.

Want You Back | FINWo Geschichten leben. Entdecke jetzt