Chapter 4-His Ideal Girl

1.3K 46 2
                                    

Sejun

“Ken hindi maganda yung ginawa mo kanina at noong mga nakaraang araw. Kung ayaw mo kay Sine Amethyst bilang babae, sana naman tratuhin mo pa rin sya ng maayos. She's still an A'Tin, Ken” Hindi naman talaga kasi tama ang ginawa ni Ken. Hindi naman namin sya puwedeng kunsintihin diba?

I know Sine Amethyst put a lot of effort just to bake those cupcakes. Then itatapon lang nya ng ganon? I know the feeling na mabalewala ang effort mo.

Bigla namang nagsalita si Stell. “Kung ayaw mo sana binigay mo nalang sakin. Kami ang kakain ni Josh. Sayang strawberry flavoured cupcakes pa naman yon” Well that's Stell and his little obsession towards strawberries. Plus the fact na matakaw sya, sila ni Josh.

Josh also butted in. “Kung ako sayo Ken hindi ko yon gagawin. Tingnan mo si Jah ngayon. Para na yang magnet kung makadikit sa asawa nya na dati ay gusto nyang iwanan”

Now, Justin joined us. “Pagtuunan mo na ng pansin bago pa mawala. Bahala ka, baka isang araw magising ka nalang na balewala ka nalang sa kanya”

Si Ken naman ay nanatiling parang wala man lang narinig. He didn't talk nor glance at us. Napahinga nalang kami ng malalim.

Parang wala na kaming magagawa. At least we did our part. Hindi kami nagkulang ng paalala sa kanya.

Justin's phone beeped “I'll go ahead susunduin ko pa si Eris” Then Justin walked away.

I turned to Ken once again. “Ikaw rin ang mawawalan, Ken. Bahala ka pag nakahanap yan ng lalaking kaya syang tratuhin ng tama” Then I tap his shoulder

I can see it from the eyes of Sine Amethyst. What she feel for Ken is more than just a fangirl's love. It's something deeper.

Ken

Ikaw rin ang mawawalan Ken. Bahala ka pag nakahanap yan ng lalaking kaya syang tratuhin ng tama”

Ikaw rin ang mawawalan Ken. Bahala ka pag nakahanap yan ng lalaking kaya syang tratuhin ng tama

Ikaw rin ang mawawalan Ken. Bahala ka pag nakahanap yan ng lalaking kaya syang tratuhin ng tama

Ang mga salitang iyon ni Sejun ang paulit-ulit na naglaro sa utak ko. Aaminin ko, may kaba at takot na gumapang sa sistema ko pero hindi ko alam kung bakit.

Huminga ako ng malalim at tsaka tumingin kay Sejun. “Mas maganda nga na mahanap nya ang taong yon para hindi na nya ako guluhin” Napailing nalang sina Sejun.

Biglang nagring ang phone ko. May nag-text.

I'm here Ken!” Agad akong napatayo. Lumabas ako at nang makita ko ang taong nagtext sakin ay sinalubong ko ito ng yakap.

She's Michelle Madrigal, my ideal girl, my future girl.

She's the woman I want, not Sine Amethyst.

Want You Back | FINWhere stories live. Discover now