Chapter 10-Moments

1.4K 44 12
                                    

Ken

We're currently watching news...

Sine Amethyst Stone dating Yuki Mirokawa? Nitong mga nakaraang linggo ay kumakalat ang mga litrato ni Sine Amethyst Stone, ang nag-iisang tagapagmana ng GemStone Malls kasama ang isa sa mga tinaguriang eligible bachelor ng bansa na si Yuki Mirokawa. Bali-balitang nag dedate daw ang dalawa”  Agad na naagaw ng balita ang atensyon ko.



Sa hindi ko malamang dahilan ay nainis ako. I walked out.


Sino ba yung lalaki na yon? Bakit ang lakas ng loob na sumama at kumapit kay Sine? Ano ba sya ni Sine.

Wala nakong nagawa kundi suntukin ang pader dahil sa inis na nararamdaman ko.

“Chill dude resulta ng desisyon mo yan kaya panindigan mo” Si Stell na biglang nagsalita sa tabi ko.



“Kasi naman, nasa 'yo na itinulak mo pa kaya nakuha ng iba” Si Sejun na tinapik ang balikat ko.


“Anong dapat gawin ko?” Mahinahon  na tanong ko. Ngumisi naman sila “Bawiin mo” Parang balewala na sabi ni Josh






“Bawiin mo”

“Bawiin mo”

“Bawiin mo”

“Bawiin mo”

“Bawiin mo”


Paulit ulit na naglalaro iyon sa utak ko.

I made up my mind, Sine Amethyst Stone babawiin kita......

























Sine Amethyst


“Sine Amethyst Stone dating Yuki Mirokawa? Nitong mga nakaraang linggo ay kumakalat ang mga litrato ni Sine Amethyst Stone, ang nag-iisang tagapagmana ng GemStone Malls kasama ang isa sa mga tinaguriang eligible bachelor ng bansa na si Yuki Mirokawa. Bali-balitang nag dedate daw ang dalawa”Napatingin kami ni Yuki sa news.


“Parang tanga lahat nalang binigyan ng kahulugan. Mga reporters talaga” Nasabi ko nalang. Pano ba naman kasi, yung mga reporters dinaig pa yung dictionary kung magbigay ng kahulugan.

“Ang hirap na talaga ngayon, lahat nalang ng kilos mo pinapansin. Tipong may kasama ka lang na lalaki ang tingin agad sayo ng ibang tao, malandi” Napatawa naman si Yuki na nandito sa tabi ko. Tinaasan ko sya ng kilay kaya itinaas nya ang dalawa nyang kamay na parang sumusuko.


“Easy precious” Sabi nya na halatang nagpipigil ng tawa.



“Hoy Mirokawa wag mo nga akong tawanan. Halika dito nang makita mo” I tried to reach for his hair. Sasabunutan ko lang ng very light.

Kaso itong si tanga tinakbuhan ako.





“Mirokawa come back here!” Para kaming mga bata na naghahabulhabulan dito sa bahay ko.

“Yuki Mirokawa I said come back here!” Napipikon nako mga bes



“Come and get me Precious” Parang sira nyang sabi





Yari ka talaga sakin Cosine Yuki Mirokawa pag naabutan kita.












Want You Back | FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon