Chapter 45- Sampalin ng Katotohanan

880 37 19
                                    

Sine Amethyst

Nag doorbell ako sa pinto ng address na binigay ni Ken. Ilang sandali ay nagbukas na rin Ito.

“Oh! Tingnan mo nga naman, daga na mismo ang lumalapit sa pusa. By the way, come in. Di naman ako ganong kasama para di ka papasukin lalo na't nalalapit na rin naman ang pagkuha ko kay Ken mula sayo”  Yan agad ang bungad sa akin ni Michelle.

Di ko inintindi ang sinabi nya pero tinanggap ko ang alok nya na pumasok ako sa bahay nya.

“Ay nakalimutan ko, may kasama pala ako. Papapasukin ko nalang dito sa bahay mo ha. Andyan lang naman kasi sya sa kotse eh” Parang wala lang na sabi ko.


Lumabas ako ng bahay nya at sinenyasan ko yung kasama ko na pumasok.


“I thought that you're a brave woman, Sine. It turns out na mahina ka pala. Sino ba yang kasama mo? Back up mo?”Humalakhak pa Ito ng pang-asar bago muling nagsalita.


“Alam mo, kahit sino pa yang kasama mo ay di mo mapipigilan ang gusto kong gawin. I can even kill you if I want, Sine Amethyst” Ngumisi pa Ito ng nakakakilabot.

Pero di pa rin ako nagpatinag...


“Do you want to meet my companion?” Parang casual lang na sabi ko. Di ko pinansin yung banta nya.

“Pakielam ko naman dyan sa kasama mo?” Itinaas pa ni Michelle ang isa nyang kilay.

Hay nako...

Sige lang Madrigal, magtaray ka pa. After nitong gagawin ko, makakapagtaray ka pa kaya ng ganyan?

Nginitian ko sya ng plastic


“But still, I'll introduce her to you.” Mapang-uyam akong tumingin kay Michelle bago muling nagsalita.


“Michelle, meet my friend...


Atty. Audrey Lastimosa” Nakita ko ang confusion sa mga mata ni Michelle. Ang mga kamay nya ay nanginginig pero agad nya iyong naitago sa likuran nya.


“ Attorney would you like to say something to Ms. Madrigal?” pa sweet ko pang sabi na kala mo'y walang masamang gagawin.


Well, sorry nalang sya kasi maling tao ang binangga nya. Maldita wanna be lang naman sya.


“Ms. Madrigal I just want to inform you na maari kang kasuhan  kung di ka pa tumigil sa mga ginagawa mo” Sabi ni Attorney

“Ano naman ang ikakaso nyo sakin? Tsaka may ebidensya ba kayo?!” Doon ako muling umeksena.

Nag-play ako ng mga voice record. Everytime kasi na pakiramdam ko ay may masamang sasabihin o gagawin sakin ang isang tao ay pasimple kong ino-on ang voice recording sa phone ko.

Pati yung usapan namin kani-kanina lang ay nakarecord din.

Alam mo, kahit sino pa yang kasama mo ay di mo mapipigilan ang gusto kong gawin. I can even kill you if I want, Sine AmethystNakita ko ang matinding gulat at takot sa mga mata ni Michelle. I know she didn't saw this one coming.

Sorry nalang sya dahil lagi akong prepared.


“Ms. Madrigal, malinaw ang inyong pagbabantang ginawa kay Mrs. Suson. Didn't you know that the crime of grave threat is punishable under Article 282 of the Revised Penal Code (RPC). It is stated therein that any person who shall threaten another with the infliction upon the person, honor, or property of the latter or of his/her family  or any wrong amounting to crime” This time hindi na nya naitago ang kabang nararamdaman nya. Kitang Kita na namin ang nanginginig nyang kamay.


“Ay attorney naalala ko na basta nalang din syang pumasok sa bahay ko without my permission. Pwede ba syang kasuhan ng trespassing?” Painosente kong tanong. Tumango naman si Atty. Lastimosa bago muling nagsalita

“Yes. According to the Section 2, Article 280 of the (RPC), any private person who shall enter the dwelling of another against the latter's will shall be punished.” Bigla namang nagsalita si Michelle.

“Edi kakasuhan din kita ng trespassing” May kaonting lakas na ng loob na mababakas sa mga mata nya.

“Sad to say but you can't do that. You invited me in, right? It only means that I have your permission” I also played the voice record where she invited me inside her house.


“By the way may regalo nga pala ako sayo” Iniabot ko sa kanya ang isang expandable envelope bago lumabas sa bahay nya.

Di pa man ako nakakasakay ng kotse ay narinig ko na ang naiinis nyang sigaw.

Wanna know kung ano yung binigay ko sa kanya?

Ilang pictures namin ni Ken nung kinasal kami at marriage certificate namin.

Siguro akala nyo pumunta ako don para makipagsabunutan o makaipagsamapalan sa kanya no?

Well, sinampal ko naman sya pero di  literal.

Sinampal ko sa kanya ang katotohanang akin lang si Ken at di na nya maaagaw pa.


I won't stoop down to her level. Masyadong malayo ang agwat namin sa isa't isa.

She's an ex, I'm the wife.

Sya ay nakaraan, ako ay kasalukuyan

At sigurado akong ako  pa rin maging sa hinaharap.






Want You Back | FINWhere stories live. Discover now