Chapter 47- Carbon Copy

895 40 6
                                    

Ken

“Calm down ijo. My daughter is brave and strong. Just trust her, she'll make it” Sabi sakin ng daddy ni Sine.

Sh!t! Turuan nyo akong kumalma! Kanina pa akong pauli-uli dito sa hallway ng ospital dahil sa kabang nararamdaman ko.

For fvck's sake! Nanganganak ngayon ang asawa ko! Hindi pa ako pinayagan ng mga doktor na samahan ang asawa ko dahil tense na tense daw ako!

Pano ba naman ako hindi matetense? Ayaw pumayag ni Sine ng C-section! She insisted a normal delivery!

D*mn I can't calm down!

“Ijo pwedeng bang tumigil ka na dyan sa pagbabalik-balik mo dyan? Ako ang nahihilo sa iyo” Dahil sa sinabi ni Tito ay umupo ako sa isang tabi habang kinakain pa rin ng kaba ang sistema ko.

Maya-maya pa ay lumabas na ang doktor.

“You have a bouncing baby boy, Mr. Suson. Sa ngayon ay ililipat na namin ng private room ang asawa mo” Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ng doktor. Thank God!

Alam ko naman kasing sa tuwing manganganak ang babae ay nakabaon na sa hukay ang isang paa nito. Thank God because Sine made it!

Bago pumunta sa private room ni Sine ay dumaan muna ako sa simbahan dito sa loob ng ospital.

I need to thank God for my wife's safe delivery.

Sine Amethyst

Nagising ako na parang nanlalata. Yung para bang pagod na pagod ka.

Sh!t nanganak nga pala ako!

Nang maalala ko yon ay dali-dali akong bumangon at sa aking pagbangon ay may umalalay sakin. Si Ken.

“Hi babe, are you okay? Do you want me to call the doctor?” Umiling lang ako sa kanya bilang sagot. Still the thoughtful Ken that I know. Napangiti nalang ako dahil don.

“Si ba—” Hindi ko natapos ang dapat kong sasabihin dahil may kumatok.

Dumungaw ang isang nurse at sumunod ang isa pa na may hawak na sanggol, our baby.

“Ma'am, Sir here's your baby” Dahan-dahan naman itong inabot sakin ng isang nurse. Pagkaabot ay agad rin silang umalis.

Napadako ang tingin ko sa sanggol na nasa bisig ko ngayon, ang anak namin ni Ken.

“Andaya naman” Naibulalas ko nalang habang nakatingin sa baby namin. “Andaya, ako yung nagdala ng siyam na buwan pero wala man lang nakuha sakin!” Naman oh! Carbon copy ni Ken!

Mula sa hugis ng muka, ilong, labi, lahat talaga nakuha sa kanya!

Kaya tong manok na to, ayon at tuwang tuwa! “Babe wag ka nang magtampo. Gusto mo sundan natin agad si baby, malay mo kamuka mo na yung susunod?” Napatingin naman ako sa kanya. Aba! Adik ba to? Kakapanganak ko lang, bagong baby na agad ang nasa isip?!

Unbelievable!





A/N: Next chapter is the Epilogue. Salamat sa pagsubaybay sa story ni Ken!💙

Want You Back | FINWhere stories live. Discover now