Chapter 42- Make Time for You

869 38 4
                                    


A/N: Thank you for the concern guys. Here's another update for y'all!

Sine Amethyst

“Babe!” Ilang oras na mula nang dumating dito si Eris. Tapos narin ang guesting nila kaya naman ngayon ay nandito si Jah para sunduin ang asawa nya. Habang ito namang si Ken ay dali-daling lumapit sa akin.

“May masakit ba sayo? Okay lang ba kayo ni baby? Bakit ba hindi mo ko tinawagan? Sabi ko sayo tawagan mo ko pag may emergency diba! Kung hindi pa tumawag si Eris kay Jah di ko pa malalaman ang nangyari sayo” Hingal na hingal sya pagkatapos magsalita. Marahas rin ang pataas baba ng dibdib nya indikasyon ng matinding takot at kaba.



“Look at me babe. Look into my eyes”Malambing kong sabi na sinunod rin naman nya. “Calm down okay? Wala namang masamang nangyari. I am able to handle your ex, so don't worry” Niyakap lang ako ni Ken at isiniksik ang kanyang muka sa aking leeg.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang pagkalma nya.

“Ken, Sine we're leaving” Si Jah yon na buhat buhat ang lalaki nyang anak habang si Eris ay buhat ang babae nilang anak.


Ken just nodded at Jah.

“Thank you for coming, Eris. Ingat kayo sa pag-uwi” Sabi ko nang maihatid ko na sila sa may pintuan.





“It's your check-up tomorrow right?” Kumakain kami ng dinner nang biglang ipinaalala ni Ken ang check-up ko. Magkakaroon nga pala ako ng weekly check-up!

Yup! Weekly kasi maselan daw ang pagbubuntis ko. Pero sa oras na okay nako ay magiging once every two weeks nalang daw.

“Yes may check-up ako bukas ng 10. Plano ko ngang papuntahin ang driver ni daddy dito bukas” Alam ko naman kasing may pagka busy sya kaya hanggat maaari ay ayokong makaabala sa kanya.

“No need to do that babe. Sasamahan kita bukas.” Maagap nyang sagot. Dahil doon ay napatigil ako sa pagkain.

“Ken you don't need to come with me. You have a busy schedule kaya nauunawan ko naman. Yo—” Di ko natapos ang gusto kong sabihin dahil agad ring nagsalita si Ken


“Babe, kahit gaano pa kabusy ang schedule ko ay gagawa ako ng oras para sa inyo ng anak natin. Always remember that, okay?” Then he let out a sweet smile.

Oh! How I love this man. He's not just faithful, he's also responsible. I know that in the near future he'll be a good father to our baby.

Want You Back | FINOnde histórias criam vida. Descubra agora