Chapter 29- Grandchild

929 43 6
                                    

Sine Amethyst

Natapos ang araw na yon na hindi nasasagot ni Ken ang tanong ko. Pano ba naman? Puro kalokohan ang nasa utak eh. Ako namang si tanga ay patol ng patol sa mga kalokohan nya!

Nandito ako ngayon sa mansyon dahil dinalaw ko si daddy.

“So how are you and Ken?” Alam nya kasing kami na ni Ken. Alangan namang isikreto ko yon sa magulang ko diba. Tsaka pinakilala ko sya as my boyfriend na.

Akala ko nga non magagalit si daddy eh. Pero ang daddy ko? Ayon at tuwang tuwa pa!

I can still remember what happened that day.

Isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan ko bago ako pumasok sa mansion.


Magkahawak kamay kami ni Ken at pareho pa kaming kabado.

Nakita ko si daddy na nakaupo sa hapag-kainan.

“Oh come on the both of you. Have a dinner with me” Yaya nya samin ni Ken nang makita  nya kami.

Hindi ako mapakali kaya't kahit nasa kalagitnaan kami ng pagkain ay inopen up ko kay daddy ang talagang dahilan ng pagdalawa ko.

“Daddy I have to tell you something” Saglit nya lang muna akong tiningnan.

“Let's talk about that later” Awat nya sa sasabihin ko. Tumango ako pero ilang sandali pa ay di nanaman ako mapakali.

Muli akong bumaling kay daddy.

“Daddy kami na ni Ken”Bigla naman syang napatigil sa pagkain at napatingin sa amin.

Muli nanamang dumaloy ang kaba sa aking sistema.

A lot of questions clouded my min like...

Ayaw ba nya?

Galit ba sya?

Papagalitan ba nya ko?

Pagihiwalayin ba nya kami ni Ken?

Ilalayo nya ba ako kay Ken?

Pero lahat ng kabang nararamdaman ko ay napawi nang makita ko ang napakalawak na ngiti ni daddy.

“Kailan ba ang kasal? Magkakaapo na ba ako?” Puno ng galak ang kanyang boses habang sinasabi yan. Naramdaman ko rin ang pag-init ng pisngi ko.

D*mn bakit sa mga libro na nababasa ko ayaw nilang ipamigay ang prinsesa nila? Samantalang itong si daddy parang ibinubugaw nako kay Ken!




“Hey daughter, I'm asking you. How are you and Ken?” Napabalik ako sa reyalidad dahil Kay daddy.


“We're fine daddy" I answered him then I smiled. Napakasarap sa pakiramdam na tanggap ng pamilya mo ang taong minamahal mo.


“Fine lang? Yon na yon? Di pa ba kayo nagpaplano ng kasal. Hurry up, I want to see kids running around this home. I already want grandchildren” Napatulala nalang ako kay daddy.





Seriously?!

Want You Back | FINWhere stories live. Discover now