Special Chapter- chicKEN

857 40 8
                                    

Sine Amethyst

“Mom, is daddy a kind of bird?” Napatingin naman ako sa panganay kong si Keith. Sinundo ko sila ng kapatid nyang si Frost Kingsley sa school dahil hindi sila masusundo ni Ken. Madaling araw na kasi syang nakauwi dahil nagrecord sila ng bagong kantang irerelease nila.

“Bakit mo naman natanong baby?” Balik na tanong ko kay Keith. Ang kaninang parang walang pakielam na si Frost ay tila nakikinig na rin sa usapan namin ng kuya nya.

“Kasi po mommy nung first day of school, tinanong po ako ni teacher. Sabi po nya “Ikaw ba ang anak ni chicKEN?” Di ko naman alam ang isasagot ko sa panganay ko natatawa ako na ewan.

Bigla namang nakisali sa usapan namin si Frost. “ Actually I experienced something like that. In my first day of school, my teacher said “Ikaw pala ang sisiw ni manok”  What does it means mom? Is daddy a kind of bird?” Frost asked. Sa pagitan nilang dalawa ng kuya nya ay sya talaga ang nakamana sa ugali ng tatay nila. Si Keith kasi ay may nakuha pang konti sa akin. Nasa grade one palang si Frost pero matatas syang magsalita ng Ingles. May pagkaslang pa nga sya pag nagtatagalog.

Si Keith naman ay grade two pero unlike Frost, he's used to speak English with Filipino. Taglish kumbaga.

Nagsasalita lang sya ng Ingles pag galit sya o seryoso.

“It's better if you both ask your daddy” Matanong kasi silang dalawa.

Nasa garage palang kami ng bahay pero dinig na dinig namin ang ingay sa loob ng bahay.

Pagbukas ko ng pinto ay may maliliit na braso na agad yumakap sa binti ko. “Mommy” It's our youngest child. Our one and only Syresia Antilia. Our three year old daughter.

“Mommy, kuyas” Kakawag-kawag pa ang paa nito nang makita nya ang dalawa nyang kapatid.

I showered kisses to her super fluffy cheeks.

At nang mapagmasdan ko ang kabuuan nya, doon ko lang napansin ang suot nya.

FELIP JHON” Dali-dali namang pumunta sa amin si Ken dahil sa sigaw ko. “Yes, babe?” Pinagmasdan ko rin ang suot nya at napatampal nalang ako sa noo.

“Dad is really a kind of bird. He's a chicKEN!” Dinig kong sabi ng dalawa naming anak na lalaki.

“Really, Felip? Chicken costume ang suot mo tapos binihisan mo pa ang bunso natin na parang sisiw. Gosh! Nabuang ka na talaga” Iiling-iling nalang na sabi ko.

D*mn! He's really a living chicKEN. Paglaon ay napatawa nalang ako sa kanila ng bunso namin at ganon din ang dalawa naming anak na lalaki.

Inilabas ko ang cellphone ko at kinunan sila ng larawan.

I guess he really live with his title, chicKEN

Want You Back | FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon