Chapter 25-Girlfriend

1.1K 45 17
                                    


Sine Amethyst

“Mahal mo rin ako kaya ibig sabihin tayo na” Kanina pang ganyan si Ken mula noong narinig na sinabi kong mahal ko sya.

Ang kulit!

“Oo na, tayo na” Ang hirap makipagtalo sa kanya.

Others might think of say na easy to get ako. I'm not! Matagal ko nanaman syang kilala. Duh, I'm one of the fangirls of SB19 kaya.

Tsaka masyado na kaming matanda para patagalin pa yang panliligaw na yan. Sa panahon namin, relasyon ang mas pinapatagal.

Kaysa naman tumulad sa iba dya na isang taon niligawan pero after 3 months nauwi naman sa hiwalayan.

“Ken tara mag bike” Hapon na kasi kaya masayang mag bike. Damang-dama ang lamig ng hangin

“Babe we don't bring bicycles with us” Naguguluhan nyang sabi.

“Don't worry pwede mag rent dito” Sa isang part nitong lake ay may rentahan ng bike for 25 pesos.

“Kuya dalawa nga po” Sabi ko doon sa lalaking nagbabantay ng bike. Kukuha sana ako ng pera nang tingnan ako ng masama ni Ken.

“I'll pay for us Sine” Malalim ang boses nya noong sinabi iyon kaya wala akong nagawa kundi hayaan syang magbayad.

“Are you mad?” Tanong nya habang nagbabike kami. Plano kasi naming libutin itong buong Sampaloc lake.

“Huh? Mad? Bakit? ” Meron ba akong dapat ikagalit sa kanya?

“For what I did awhile ago. Yung pagbabayad para sa renta ng bike” Pagpapaliwanag pa nya. Muka nga syang tense habang inaantay ang sagot ko.

My chicKEN is so adorable.

“Don't worry I'm not mad. Cheer up okay?” Pagpapagaan ko ng loob nya.

Pagkatapos namin mag bike ay bumili kami ng mga pasalubong like keychains and t-shirts. Bumili rin kami ng pasalubong na mga pagkain tulad ng buko pie, shing aling, espasol at tilapia ice cream.

Yup! You heard it right. May nag-eexist pala talagang tilapia ice cream. Take note, di sya malansa!

Katulad ng nangyari kanina ay si Ken uli ang nag drive. Pauwi na kasi kami.

Sinigurado rin nyang di kami magugutom sa byahe dahil andami naming biniling pagkain.

May take outs from Jollibee at Greenwich. At syempre meron ring takoyaki! Favourite ko kaya to.

“Say ahh” Pinapakain ko kasi sya. Pano ba naman ayaw na ako ang mag drive.

“Uhm Ken, about nga pala doon sa kanina. You know yung paggastos para sating dalawa” Panimula ko.

“Go, continue I'm listening” Sabi nya habang ang mga mata'y nakafocus pa rin sa daan.

“Alam mo kasi Ken, hindi naman masamang gumastos ka for us pero hayaan mo rin akong makishare sa gastos, okay?” Ayoko kasi nung sya lang ang nagastos. I have my own money rin naman at ayokong iasa sa kanya ang lahat.

“Sine, if we'll be a family, ako ang haligi ng tahanan kaya ako ang dapag sumoporta sa inyo. You may be richer than me pero gusto ko rin namang i-spoil ka with my own money” Okay I get his point. Ang sweet nya sa part na iniisip nyang bumuo kami ng sarili naming pamilya.

Pero sabagay, bakit ka papasok sa isang relasyon kung wala sa isip mo na pang hanggang huli na yon.

I mean you went in a relationship because you want that someone to be with you until the end right? Wala naman kasing matinong tao na papasok lang sa isang relasyon para magloko. Para narin syang nag-aral para bumagsak.

“Ken, hindi naman masama na i-spoil mo ko with your own money. Pero malay mo may dapat kang pag-ipunan ng pera for more important thing. You know, like wedding?” Mahinahon kong paliwanag kay Ken. Nakita ko naman ang kakaibang kislap ng mata nya nang mabanggit ko ang salitang wedding.

Nagulat ako nang bigla nyang ipreno ang sasakyan at bigla akong halikan.

“D*mn I'm so in love with you woman. I'm whipped!” He said while directly looking at my eyes.

———————

Kate_019 Ito na kapatid. Enjoy reading!

Want You Back | FINМесто, где живут истории. Откройте их для себя