Special Chapter-Finale

1.2K 39 18
                                    

Ken

It's already two in the morning when I got home. Pagpasok ko sa bahay ay madilim na.

Nagtaka naman ako dahil sa amoy ng bahay.

It smells like rose.

Paakyat na ako sa kwarto pero napabaling ang tingin ko sa balcony. Maliwanag ang parteng iyon dahil sa ilang kandila na napaka eleganteng tingnan.

Lumapit ako doon at nakita ko ang isang lamesa at dalawang upuan. May banner pa na nakalaylay na ngayon.

“Happy 10th Anniversary” Pagbabasa ko sa nakalagay. Yes, today is our 10th anniversary.

Guilt run through my veins. Alam kong hinanda ito ng asawa ko.

Kita ko rin ang napakagandang arrangement ng lamesa. May vase pa nga na nakapatong na naglalaman ng limang pulang rosas at isang puting rosas.

Pure love...

Aalis na sana ako kaso natukso akong tingnan ang maliit na kahon na nakapatong sa lamesa.

May maliit na card pang nakakabit dito. “ Enjoy my gift” Muling basa ko.

Unang bumungad sa akin ang napakagandang relo. Alam kong mamahalin ito at limited edition.

Nang ibalik ko ito sa kahon ay may nakapa akong medyo malambot na tela sa loob.

Kinuha ko ito. Isa itong maliit na damit pambata.

Hi Daddy. Yan ang nakaburda sa damit. Ginapangan ng kaba ang sistema ko. Fvck!

May ideya na ako pero ayaw tanggapin ng utak ko. Hindi ko kaya...

Kasi alam ko na nitong mga nakaraang araw ay nabibigyan ko sya ng sama ng loob.

Hinalungkat ko pa ang kahon at doon ay nakumpirma ko ang iniisip ko.

Ultrasound pictures at pregnancy test...

May recording device din sa loob. Nang i-play ko ito ay napaluhod nalang ako.

Nanghihina ako....

It's our baby's heartbeat!

Fvck! Kitang kita ko sa mga mata ni Sine kanina ang sakit at pagtataka.

Di ko naman sinasadya...



Pagbukas ko ng master's bedroom ay wala sya doon. Di rin nagulo ang kama. Halatang walang gumamit.

Binuksan ko ang bawat kwarto ng bawat anak namin pero wala din sya doon!

Pagbukas ko ng isang guest room ay doon lamang ako nakahinga ng maluwag. Lumapit ako sa kanya at nakita kong may bakas pa ng luha sa kanyang magkabilang pisngi.

“I'm sorry babe” I kissed her temple, her cheeks then, her lips. Pagkatapos ay humiga ako sa tabi nya at yumakap.




Napabangon ako sa higaan dahil di ko na makapa si Sine. Pagtingin ko sa orasan ay ala siete na pala.

Bumaba ako sa kusina. Di pa maingay dahil hindi pa gising ang mga bata.

“Good morning babe” I greeted her. I attempted to kiss her pero umiwas sya.

D*mn! Napakagat nalang ako sa labi ko.

Binuksan ko ang ref at ganon nalang ang pagsisisi ko nang makita ko ang nasa loob.

My favorites...

Alam kong si Sine ang naghanda nito. 

Sana pala pinilit kong makauwi ng maaga kagabi.




Want You Back | FINWhere stories live. Discover now