Chapter 26-Libre

921 32 3
                                    

Sine Amethyst

“Madaya ka talaga di mo man lang sinabing gumala kayo ni Ken!” Nalaman nyang nanggaling kaming Laguna nang inabutan namin sila ng pasalubong.

“Porke may Ken na dumating sa buhay mo biglang kinalimutan mo nalang ako. Sine ako to si Hopie, ang bestfriend mo” Napatawa naman ako sa kanya. Akala ko gagayahin pa nya yung famous line nung isang artista na “Ako to si Natoy na mahal na mahal ka!”

“May sasabihin pala ako sayo. Importante, promise” Itinaas ko pa ang kanang kamay ko pero ang luka kong kaibigan inirapan lang ako!

“Okay edi di ko na sasabihing kami na ni Ken”  Sabay tayo at kuha ko sa purse ko. Nakakadalawang hakbang palang ako nang marinig ko ang napakatinis na sigaw ng bestfriend ko.

“Come back here Sine Amethyst” May pang-asar na ngiti akong bumalik sa pwesto namin.

“Ayaw mo akong kausapin diba? May pairap-irap ka pa nga dyan kanina” Kunyari ay nagtatampo ako pero kinokonsensya ko lang talaga sya.

I laughed at the back of my mind

“Sorry na kasi bessy. Ikaw kasi eh, di mo sinabing may pupuntahan pala kayo ni Ken nung isang araw” Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi nya.

“So kasalanan ko pa?” Nakita ko namang nalukot lalo ang muka ng bestfriend. Yan tama no yan, mamroblema ka nga

“Hindi sa ganon bessy. Fine anong gusto mo? Lahat libre ko” Para namang musika yon sa pandinig ko.

“Fine bati na tayo. Wala nang bawian ha, ililibre mo ko ng gusto ko. Let's go shopping!” Ako na mismo ang nanghila sa kanya palabas ng restaurant.

“Buraot ka talaga! Ikaw ang may-ari ng napakaraming mall tapos sakin ka magpapalibre” Napatawa nalang ako sa kanya

“Aba desisyon mo yan, wala nang bawian” I said while laughing

“Luka luka ka talaga. Ano tong gagawin mo sakin? Holdup in a nice way?” Tong bestfriend ko naman kala mo mamumulibi sya eh milyon milyon  naman ang kinikita nila araw-araw.

Hindi naman masamang bawasan ng konti, hindi ba?

Want You Back | FINWhere stories live. Discover now