Chapter 19 : Lapse

40.6K 2.4K 1.4K
                                    

Wattpad didn't send any notification for the 18th chapter. Make sure you have read that before reading this.

 Make sure you have read that before reading this

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Next time don't let Tres boss you around," sabi ko habang naglalakad patungo kay Jethro na nakatayo sa tabi ng isang sasakyan. Saglit pa akong natigilan nang mapagtantong isa itong 1967 chevy impala. Nice taste in cars, I sure hope he won't crash this one especially with me inside. 

"Don't worry, I'll be careful," aniya na para bang nabasa ang iniisip ko. Binuksan niya ang passenger seat kaya naman tumango ako at pumasok na lang. Ano pa nga ba ang magagawa ko?

Nang maupo, agad akong nagkabit ng seatbelt. 

"I'm fit to drive already," sabi ni Jethro nang maupo siya sa Driver's seat. Defensive.

"That's good," sabi ko na lang.

"By the way don't tell Tres that I told you that he told me to drive you," aniya habang nagkakabit ng seatbelt kaya bahagyang nakunot ang noo ko. Nag Tongue Twister bigla si Gori.

"Okay." Tumango na lang ako para tapos ang usapan.

Para lang akong nakasakay sa isang taxi buong byahe dahil kapwa kami walang kibuan. Kung tutuusin mas madaldal pa nga ang mga taxi driver na-encounter ko noon. 

Kahit nang bumaba ako, tumango lang siya nang magpasalamat ako. 


Kinabukasan, habang nag-aabang ako sa message ni Tres, nabulabog ako nang tumunog ang doorbell. Paglabas ko nakita ko si Apollo na may dalang pagkain.

"But I didn't order anything?" I said. Deja Vu.

"And again, someone ordered for you." Apollo smiled and handed me a bag of food.

Tinanggap ko na lang. Malamang galing ulit kay Reika. Babawi na lang ako sa birthday niya. 


***


Silver:

Still alive, tres?


Umaga ko pa pinadala ang mensahe pero madaling araw na at wala pa rin siyang reply. Kahit nang dumating ang umaga wala pa rin kaya naman hindi na ako ulit nagpadala ng mensahe, baka kasi busy siya at maabala ko lang.

Itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa paglamon at pagre-review para sa exam. Bait ng demonyong si Reika dahil consistent kung magpadala ng pagkain. 

Kinagabihan, habang nasa trabaho, nagtaka ako nang biglang dumating si Apollo dahil hindi naman karaniwang tugma ang schedule namin.

"Change of schedule?" tanong ko na lamang habang inaabot sa kanya ang tray ng inumin na ihahatid niya sa mga mesa.

When the bridge fallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon