Chapter 74 : Pitch Black

36.9K 2.5K 5K
                                    

chapter theme : our time to go - state champs

chapter theme : our time to go - state champs

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


1 year later


"For the love of God, the world doesn't need another Haji Kazemi. Choose a different name. I refuse to be your kid's Godmother if you both decide to continue the curse."

Nagtawanan sina Mayumi, Tres, at Haji. Akala yata nila nagbibiro ako. Mga puchangama.

Sumandal ako sa kinauupuan at nagbuhos ulit ng beer sa baso ko. Pinagmasdan ko ang kamay ni Tres na nakapatong sa baby bump ni Mayumi. Cute lalo na't parang out of instinct niya ito ginawa. Tatay na tatay na talaga ang puchangama.

"Don't worry, Silver." Mayumi gave me a reassuring smile. "We're having a daughter."

"Yes!" I raised both arms in glee.

"No!" Nanlulumong sigaw naman ni Haji. 

Mayumi and Tres both looked at each other with a puzzled expression and then glared at Haji and I.

"Pinagpustahan n'yo ba ang anak namin?" Tres squinted his eyes.

Pinalo naman ni Mayumi ang kamay sa mesa. "Ano na naman ang trip n'yo?"

Pareho kami ni Haji na unti-unting lumubog sa kinauupuan.  It's weird how these two gentle buffoons turned into fierce tigers the moment they became expecting parents.

Tres heaved a huge sigh and looked at us with a stern expression. "Umayos nga kayong dalawa. Akala n'yo ba hindi ko nababalitaan ang mga pinagggagawa n'yo sa buhay n'yo? Ayokong lumaki ang anak namin na may mga lasinggerong Ninong at Ninang!"

Nag-aalangan man, dahan-dahan akong nagtaas ng kamay at ngumiti. "O-okay lang ako kasi Ninang lang ako. Si Haji ang pagsabihan mo kasi Tito talaga siya ng bata."

"Silver!" Haji looked at me with a broken expression. "Akala ko ba tayo hanggang sa dulo? Why have you forsaken me?!"

Umalingawngaw ang malakas na tawa ni Mayumi. Nahinto lamang siya nang bigla siyang nilingon ni Tres at sinamaan ng tingin. Mayumi smiled sheepishly and raised a peace sign. 

Tres sighed and looked at us again and massaged the space between his eyebrows. Parang si Tito Rico lang sa tuwing nagbabangayan kami nina Reika at Slade.

When I grew close to Haji Kazemi IV, he came with a package, and it included Haji Kazemi III and his girlfriend Mayumi. 

Nakakatawang iisipin na 'yong dating crush ko ay parang kuya ko na ngayon. Dagdag na ako sa mga sakit sa ulo niya.

"Calling the owner of the blue pick-up truck outside. Kindly meet the guard at the parking lot," A voice from the intercom blared.

"Sa'yo?" tanong ni Tres kay Haji.

When the bridge fallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon