Chapter 39 : The Talk

43.3K 3.2K 3.7K
                                    

Chapter theme: i'll be - edwin mccain

Chapter theme: i'll be - edwin mccain

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Hell to Silver! Nakatulala ka na naman!"

I snapped out of my reverie nang biglang may sumiko sa akin. Natagpuan ko ang sarili ko sa hapagkainan kasama sina Slade, Uncle Rico, at Reika — lahat sila ay nakatingin sa akin.

Napakurap-kurap ako. "Ha?"

"Hano bang problema mo at parang wala ka sa sarili?" usisa pa ni Reika.

"Jethro Filimon, I dare you to call your crush and confess your feelings."

"The Flowers were supposed to yours."

"Ang kilay ko! Huwag!"

Ipinilig ko ang ulo ko nang maalala ang mga nangyari kagabi. Sariwang-sariwa pa sa isip ko ang lahat. Ni hindi ako nakatulog. Puchangama.

Jethro and I never got to talk again after his confession. Ni hindi ko na siya nagawang tingnan ulit at binuhos ko na lang ang atensyon ko sa pag-inom at pagbabantay kuno kay Magno at Joe. Ni hindi ako nakapag-react habang nilalapastangan nila ang kilay ng kawawawang si Sawyer. Hindi na rin kami nakapagtagal pa sa club dahil tumawag ang mga magulang nina Joe, pinapauwi kaming lahat dahil may mga pasok pa kami kinabukasan.

I can still remember how Sawyer drove us home last night, with fucked up eyebrows. Sa front seat ako naupo para wala akong ibang katabi, wala rin namang nakapalag dahil sa sobrang kalasingan nila. Nagtulog-tulugan ako para malihis ang atensyon ko palayo kay Jethro, at mabuti na lang din at ako ang unang inihatid sa aming lahat.

"Nothing." I tried to smile. "Hangover lang," palusot ko pa.

"'Yan kasi, lasinggera," Slade chided with a grin. 

"Absent ka na lang kaya ngayon?" Uncle Rico suggested. Tatay nga talaga 'to ni Reika. Mahilig umabsent.

I tried my best to focus on my classes pero paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang mga nangyari kagabi. Maya't-maya akong napapa-padyak at napapapikit nang mariin. I want to scream but all I can do is bury my face on my desk and whimper. 

Hindi ko alam anong gagawin ko. Mamaya maulit na naman ang nangyari kay Tres. Ayoko. I don't want to lose Jethro.

"Silberya, kanina ka pa ah? Share ka nga." Siniko ako bigla ni Colette habang naglalakad kami palabas ng classroom namin.

"Anong kanina pa?" Nakunot ang noo ko.

"Para kang ako kapag may naalala akong nakakahiya. Ano? Nagkalat ka na naman ba?" sabi pa ni Colette kaya agad akong napairap. Puchangama.

Colette kept interrogating me all day but I didn't budge.  I never even told Reika. Ugh. Once Reika learns about what happened, tiyak sasabihin niya kay Slade — and it will be hellish once he finds out! Things will never be the same again. Then again, I guess after last night, I don't think it will ever be the same anymore.

When the bridge fallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon