Chapter 51 : Blockers

46.2K 2.8K 2K
                                    


chapter theme : rhythm of love - plain white t's

chapter theme : rhythm of love - plain white t's

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Panay ang lingon ko kay Jethro sa kasagsagan ng byahe. He wouldn't look at me, diretso lang ang tingin niya sa kawalan, walang emosyon at parang sinusumpa na ang buong mundo. Malayong-malayo sa katabi niyang si Haji na pakanta-kanta at chill lang sa pwesto niya.

"Tingin sa harap," Reika said nonchalantly as she pushed my face forward.

"Dapat kasi pinagtabi na lang natin ang mga bato." Sawyer chuckled as he leaned his head on the car window. I was sitting between him and Reika.

"Madaya 'pag gano'n! Dapat patas tayong mga wasak!" bulalas ni Magno sabay sulyap sa amin mula sa rearview mirror. Siya ang driver para sa roadtrip na 'to.

"So you finally admit it?" Reika grinned as she pressed herself forward Magno's direction. "Wasak ka all this time?"

Humalakhak nang malakas si Warren. Ito ang katabi ni Magno sa front seat. These past few days, Warren has been pretty outgoing. Reika now calls him, the most kaladkarin friend.

"'Wag kang tumawa, Vasquez!" bulyaw ni Magno kaya mas nilakasan pa ni Warren ang tawa. Marami rin pala 'tong kalokohan si Tadashi.

Kalaunan, huminto ang van sa isang rest stop. Lumabas kaming lahat para mag-inat, bumili ng miryenda, o 'di kaya ay gumamit ng banyo.

Nasa gilid ng isang bangin ang rest stop kaya mula rito ay tanaw namin ang dagat na tila ba pinapakislap ng araw. Mainit pero masarap pa rin sa pakiramdam dahil medyo malamig ang ihip ng hangin. Sa dami ba naman kasi ng puno sa paligid. 

Tutal nasa CR pa si Reika, pasimple kong nilapitan si Jethro na nakatayo sa isang tabi at nakatitig sa bangin.

Jethro's eyeglasses turned black thanks to his exposure to sunlight; his green polo shirt complementing the trees around us. I noticed how his jaw is clenched while his arms are crossed. He's upset and it's all my fault. 

Nagpaalam ako kay Tita na aalis kasama si Jethro. Nalaman ito ni Reika kaya isinali niya ang sarili sa plano at tinawagan pa sina Magno. 

"Sorry ulit," I whispered playfully as I tugged the hem of his shirt.

He heaved a deep sigh but he continued facing the ocean, arms still crossed. "Reika's having fun torturing us."

"Hindi naman," sabi ko sabay hilig ng ulo ko para tumingin siya sa akin.

"It should've just been the two of us..." aniya habang diretso pa rin ang tingin sa karagatan.

Ayaw akong tingnan ng puchangama kaya naman lumipat ako sa harapan niya. Either nagtatampo talaga o nagpapalambing lang. The more time we spend together, the more I learn about him. And the more that I learn about him, the deeper I fall.

When the bridge fallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon