Chapter 71 : Fleeting

30.3K 2.2K 1.6K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


I breathed a sigh the moment we passed by the welcoming sign of Filimon Heights. 

Slade turned to look at me with a worried look on his face but I just smiled and nodded. He nodded back and faced ahead, holding the sleeping Reika next to him. 

Tahimik lang kaming lima habang nasa loob ng sasakyan. Ang karaniwang napakaingay na si Magno ay tahimik lamang na nagmamaneho. Si Haji na nakaupo sa passenger seat ay parang napakalalim ng iniisip. Slade is providing to comfort to Reika, while I'm at the farthest seat all alone in my thoughts.

I tried not to peer through the windows, afraid of the memories that could stir up my mind. If there's one thing I learned, it's how memories can hurt.

"Ate Silly!"

Drummer, Reika's little brother, looked like a ball of sunshine as he ran towards me with open arms. Kakapasok pa lang namin sa bahay nila pero sinalubong na niya agad ako ng mahigpit nayakap. My heart welled up in happiness just by looking at him. 

"Naku! Ang paborito ko pala 'tong changama!" pabiro kong sambit at yumuko nang kaunti upang yakapin siya pabalik lalo't hanggang hita ko lang siya.

"Ate! Ate! Carry me!" Bigla siyang tumalon-talon, muntik tuloy tumama ang ulo niya sa mukha ko.

"Yucks! Big Boy ka na! Bawal ka nang kargahin!" pang-aasar ni Magno na hila ang mga maleta namin.

Huminto si Drummer sa pagtalon at sinamaan ng tingin si Magno. Lumukot ang labi niya, halatang paiyak na.

"Hala hindi! Small Boy forever 'tong si Drummer ko!" pabiro kong pagtatanggol sabay karga sa kanya. Magaan pa naman siya kaya kayang-kaya pa. "Bad talaga si Kuya Weirdo mo no?"

Yumakap si Drummer nang mahigpit sa leeg ko at pinagdikit ang mga pisngi namin. Tinuro niya bigla si Magno. "Panget ka Kuya!"

Natatawang pumasok si Haji at bumagsak paupo sa sofa. "Ang bata, 'di nagsisinungaling. Panget ka talaga, Mags."

"Panget ka rin!" Drummer yelled at Haji, sticking his tongue out.

Tawang-tawa kami ni Magno, lalo na nang makitang nanigas si Haji sa kinauupuan.

"Shhh. 'Wag n'yong tinuturuan ng kung ano ang bata," saway sa amin ni Slade na karga ang natutulog na si Reika. Reika cried herself to sleep after having one last argument with Sawyer back at the island. It was really bad.

"Ate Rei-Rei!" Drummer beamed and started kicking while I'm still carrying him. Napamura na lang ako sa isip ko.

"Oh? Ba't tulog 'yan?" gulat na bulalas ni Tita Abbey na galing sa kusina. Nakasuot pa ito ng apron. "Rei, gising ka--"

"Tita, masyado lang po siyang napagod." I grabbed her by the arm and shook my head. "Hayaan n'yo na ho."

"May nangyari ba?" tanong ni Tita, bakas ang pag-aalala sa mukha. "Teka, akala ko hindi ka pa babalik rito?"

When the bridge fallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon