Chapter 35 : Mending

42K 2.7K 1.9K
                                    

chapter theme : get better - scotty sire, bruce wiegner

chapter theme : get better - scotty sire, bruce wiegner

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Madam! Nandito si Silver!"

Umalingawngaw agad ang sigaw ni Ate Madonna nang makitang pinagbubuksan ako ng gate ng isa sa mga guard ng bahay. Gaya ng dati, tuwang-tuwa ito nang makita ako at halos ipangalandakan sa buong kabahayan ang pagdating ko.

"May pagkain po ba?" pabirong bati ko na lamang saka niyakap siya nang mahigpit. After all, this woman took care of me ever since I was in grade school. She's basically family to me.

"Bata ka! Anong nangyari diyan sa mata mo?! Nakagat ba 'yan ng ipis?! Patingin nga!" Pilit niya akong pinapaharap sa kanya kaya naman pilit akong umiiwas. 

"Bihis lang po ako," paalam ko saka dali-daling pumasok kaso hindi pa ako nakakarating sa mahabang hagdan nang biglang sumulpot si Mommy mula sa kusina.

"Silver, you're home!" She beamed at the sight of me. 

My lips formed to an uncontrollable pout as it trembled. I dashed towards her and hugged her tight. 

"Oh? Anong problema?" she asked as she hugged me back, running her hand against my hair.

"Na-miss ko lang ho kayo," I said, trying to stop myself from crying.

"My sweet child..." I felt Mom's kiss on top of my head, and suddenly, my heart felt a little lighter. "Dito ka na lang kasi ulit para magkasama na tayo lagi," she added.

"What's for dinner?" I asked, trying to play it cool when deep inside I'm falling apart.

"Good thing our schedule is clear tonight. Go change and rest so we can go out for dinner later," aniya kaya tumango ako at umakyat sa malawak na hagdan patungo sa kwarto ko.


***


6:32 PM


Jethro:

class just ended

tara sa tapsihan?


Silver:

Can't

 umuwi ako


Jethro:

on your parents?


Silver:

yes

despite our issues, home will always be home

When the bridge fallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon