Chapter 64 : It's time

29.7K 2.1K 1.9K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Habang naghahanda silang lahat para sa isang surpresa para kay Braylee, naisipan kong dumiretso sa ospital para kausapin sina Vanessa at Colette. Hindi ko na sinabi pa kay Jethro dahil tiyak kong hindi siya papayag sa binabalak ko.

"Anong ginagawa mo rito?"

Labis akong nanlumo dahil sa malamig na salubong sa akin ni Colette. Hindi ko siya magawang tingnan kaya nagbaba na lamang ako ng tingin sa sahig, pilit na pinipigilan ang mga luha ko. Ramdam ko sa titig niya ang matinding galit para sa akin.

"S-sorry... Colette, Sorry..." Halos walang boses na lumabas mula sa bibig ko. 

Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay at panlalamig ng katawan ko. Nahihirapan akong huminga dahil sa lakas ng pintig ng puso ko pero pilit kong tinatagan ang sarili ko. 

"You should say that to Vanessa..." She scoffed. "Nagsisisi akong pinagkatiwalaan kita."

Mariin akong napapikit. Para nang bibigay ang mga tuhod ko pero pilit ko itong tiniis. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"I... I saw Vanessa with Romeo that night. I will testify against him. I will find ways to prove his guilt--"

"And just how would you do that?" She crossed her arms and raised an eyebrow. I can feel the rage in her voice. I haven't seen her this angry before, especially towards me. "That bastard is shamelessly denying everything, painting my cousin as a filthy liar. The club's CCTV footage aren't helping either. You know what, just get lost."

Tumalikod siya mula sa akin pero nang papasok ulit siya sa private room kung saan naroroon si Vanessa, mabilis ko siyang hinawakan sa braso.

"Let go of me or I swear to God..." She threatened.

"Please, please just tell me what Vanessa remembers from that night. I will find a way to help. Please, Colette. Alam kong sobrang laki ng kasalanan ko kaya gusto kong makatulong sa kahit na anong paraan," I pleaded, trying to stop myself from tearing up.

She sighed, turning around while staring at me coldly. "Vanessa said she was making out with Romeo at the club when he suddenly asked her to come with him to a motel. Vanessa turned him down and he went home. There are CCTVs showing Romeo going home first and he has other alibis, disproving Vanessa's claim. Now how will you help?"

Napakurap-kurap ako at naiwang nakaawang ang labi. Bago pa man ako ulit makapagsalita, winakli ni Colette ang kamay ko at saka siya pumasok sa kwarto ni Vanessa.

Nang mag-isa, doon lang tuluyang pumatak ang mga luha ko.

***

Lalo pang bumigat ang kalooban ko nang sumambulat sa aming lahat ang pinagdadaanan ni Braylee. Imbes na siya ang isu-surpresa ni Braylee, kami ang sinurpresa niya. Ang sanay masayang pagtitipon sa nature park, nauwi sa inuman sa bahay nina Reika.

When the bridge fallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon