Chapter 45 : Blind Date

44.8K 2.6K 2.3K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Silverianne, tanghali na! Bumangon ka na diyan!" Nagising ako dahil sa boses ni Slade.

I grunted and buried my face on my pillow, desperate for more sleep. Magkamatayan na, matutulog lang ako rito.

"Hindi ka na papasok? Paano ba 'yan, talo ka na ni Reika? Kanina pa pumasok ang isang 'yon eh," sabi pa ni Slade kaya itinaas ko ang lupaypay kong kamay at sinenyasan siyang umalis na.

Humalakhak siya. "Ano bang nainom mo kagabi at nagkaganyan ka? First time mo yatang na-knockout?"

Kunot-noo kong iniangat ang mukha ko. "Ha?"

Kumurap-kurap ako lalo't wala akong masyadong naaninag. Ang bigat ng pakiramdam ko, lalo na ng ulo ko. Para akong binugbog ng ilang daang diablo.

"'Wag mong sabihing wala kang naalala?" Kunot-noo namang sumandal si Slade sa hagdan. Parang isang pulis na gustong mangusisa.

Napaisip ako sa sinabing iyon ni Slade. Ang huli kong naalala ay ang pang-iiwan ulit nila sa akin.

"Hayop kayo, iniwan n'yo na naman ako!" Masama man ang pakiramdam, mabilis kong pinulot ang unan ko at ibinato ito sa kanya. Wala na akong pakialam kahit injured siya. Puchangamang nang-iiwan.

Humalakhak si Slade nang maiwasan niya ang unan. "Ito naman, masyadong pikon."

Wala ako sa mood makipag-asaran sa kanya dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko kaya naman humiga ulit ako. Napabangon lang ako ulit nang may sumagi sa isipan ko. "Teka, paano ako nakauwi kagabi?"

"Wala kang malay na inihatid ni Jethro kaninang madaling araw. Nakakahiya ka. Nagpabuhat ka pa sa isang 'yon," pang-aasar ni Slade.

"Puchangama!" Napangiwi na lamang ako sa sobrang kahihiyan. Sana naman hindi nakakatawa ang hitsura ko habang tulog.

"Nga pala, may sasabihin ako." Slade suddenly grinned. That's when I noticed the light aura around him; para bang kanina pa siya masaya. Anong meron? Magkaka-album na ba sila?

"Hurry up so I can sleep," I grunted, but deep inside I'm excited to hear the news.

"Liligawan ko na si Reika," bulalas niya kaya napaupo ako nang tuluyan. Parang naglaho na parang bula ang antok ko.

"About time, you idiot!" Kumuha ako ulit ako ng unan. I haven't even thrown it yet but he already flinched, dahilan para matawa ako. "You better not screw this up."

Bumuntong-hininga siya at sa sandaling iyon ay biglang naglaho ang ngiti sa mukha niya. Naupo siya sa kama ni Reika kaya naman agad akong bumaba mula sa kama ko at tinabihan siya. Matagal-tagal na rin mula nang magkausap kami nang masinsinan...

Bagsak ang mga balikat ni Slade habang nakatingin sa kawalan. "I have a habit of screwing things up, you know that. I was never afraid, but this time, I am."

When the bridge fallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon