Chapter 75 : The Aftermath

29.7K 2.4K 1.7K
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Wala sa sariling nakatitig si Silver sa mga kamay niyang nanginginig at may bahid ng dugo. Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang duguang mukha ni Reika; ang pagdurusa at pagmamakaawa nitong mabuhay.

"I don't want to die..."

"Stop the pain! Ang sakit, hindi ko na kaya! Tama na!"

Mariin siyang napapapikit kasabay ng muling pag-agos ng kanyang mga luha. Ilang oras nang nasa loob si Reika ng operating room at wala silang kaide-ideya kung ano na ang nangyayari rito.

"Hindi siya mamamatay," umiiyak na giit ni Lucho na nakaupo lang sa kanyang tabi. Gaya niya, may bahid din ng dugo ang damit at mga kamay nito.

"Whatever happens, Reika will always be with us," naluluha namang sambit ni Warren na nakaupo lang sa isang tabi.

Hindi maatim ni Silver ang mga naririnig kaya mabilis siyang tumayo at naglakad palayo. Hindi nililingon ang mga kaibigang tumatawag sa kanya.

Habang pasuray-suray sa paglalakad sa pasilyo ng ospital, bigla na lamang may lumapit sa kanya, bagay na bahagyang pumukaw sa atensyon niya.

"Silver?! B-bakit ka duguan?! A-anong ginagawa mo rito?!"

Bahagyang nakunot ang noo ni Silver nang makita ang kaibigang nilang si Cohen lalo na nang mapansing may bahid din ng dugo ang damit nito.

"W-whose blood?" Nauutal niyang tanong. Lalo pang tumindi ang takot at pag-aalala niya sa isiping bukod kay Reika ay may isa pang napahamak.

"Pagdating ko sa restaurant may naabutan akong babae na sugatan ang mukha! Pucha mabuti na lang at hindi ko kasama si Ned! Silver anong nangyari doon?! Anong ginagawa mo rito--"

"S-sugatan ang mukha?" pag-uulit niya at sa isang iglap ay bumalik sa isipan niya ang mga katagang binitiwan ni Reika.

"S-sinong may gawa sa'yo nito?"

"Olivia... S-slashed face,"

Sa isang iglap, sumiklab ang matinding galit ni Silver sa napagtanto. Nag-unahan sa pagbuhos ang kanyang luha kasabay nang mariing pagkuyom ng kanyang kamao.

"W-where is she..." namamaos niyang tanong, punong-puno ng poot ang mga matang lumuluha.

"Ha? Sino--"

"That bitch is going to pay for what she did to Reika, now tell me where she is!"

Natahimik ang buong pasilyo nang umalingawngaw ang boses niyang dumadagundong sa galit. Kahit si Cohen ay labis na nagulat sa kanya, sa sobrang gulat ay napatitig lang ito sa kanya at wala sa sariling itinuro ang isa pang operating room na nasa dulo ng pasilyo.

Mabilis na tumakbo si Silver kaya napasunod na lamang ang naguguluhang si Cohen.

"Silver, sandali!"

When the bridge fallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon