21

575 31 0
                                    

'Alam mo? Di parin ako sangayon sa gusto mo. Dun ka na nga kay Lindsay.'  Inis na sabi ko sa katabi ko habang siya ay nagmamaneho.

'Ayoko nga.' Sagot naman siya tas tumawa tawa pa. Akala niya ba biro lang lahat ng to? Ayokong makipagaway sa Lindsay na yun, nakakatakot siya, literal na wala akong laban sakanya.

'Pwes, ayoko rin sa plano mo.' Sagot ko naman at crinoss ang braso ko.

'At sa tingin mo ba kagustuhan mo ang masusunod?'

'Bakit? Sayo ba dapat?'

Kanina pa kame pabalik balik diyan. Ayoko ngang maging girlfriend neto nu. Kanina pa kame away ng away dahil gusto niya ayaw ko, ayaw ko gusto niya. Di ako magpapatalo Drake.

'Malamang.' Ikling sagot niya.

Talagang ginagalit ako neto. Naiinis na talaga ako.

Sasalita pa sana ako nang biglang nagring yung phone ko.

What a perfect timing. Mark the sarcasm.

Sasagutin ko na sana ito nang bigla itong agawin ni Drake sa kamay ko.

Pinipilit kong kunin muli ito sakanya ngunit nabigo ako. Ganon ba siya kamahal ng diyos?

-on call-

'Kent? Yumi's with her boyfriend right now which is me so, bye.' Sagot ni Drake at ibinaba niya ito at binalik sakin.

-end-

'At anong sa tingin mo ang ginagawa mo hah?!' Sigaw ko sakanya. Si Kent ang tumawag tas ginanon niya? Huhuhu pano ko ba siya mapipigilan sa mga kalokohan niya?

'Flexing you.' Sagot naman niya at inihinto ang kotse sa tapat ng bahay namin.

Nasa bahay na pala ako? Di ko namalayam dahil kanina pa nga kame nagtatalo.

Lumabas si Drake ng kotse at ipinangbukas niya ako ng pinto.

Papasok na sana ako ng bahay ng nagsalita siya muli.

'You and me are officially dating whether you like ot or not.' Sabi ni Drake at kinindatan ako.

Lalaban pa sana ako pero ang bilis niyang tumakbo papunta sa kotse niya.

'Aish.' Padabog akong pumasok ng bahay habang iniisip ang lahat ng nangyari sa araw na to.

Drake and me are officially dating? Ano pa nga ba? Mukhang wala na akong magagawa para matigil pa ito.

Wala akong magawa o ayaw ko lang talaga matigil ito?

------

Nagising ako sa tunog ng alarm clock.

Aish inaantok pa ko, di ako masyado nakatulog kakaisip kung paano ba ako makatakas sa trap ng demonyong yun. Makakaalis pa nga ba?

Padabog dabog akong bumangon at bumaba para makakain ng almusal.

Nadatnan ko si mama na inaayos yung kakainin namin kaya nilapitan ko naman ito at niyakap patalikod.

'May problema ka ba, nak?'

'Wala naman, namiss ko lang yung bonding natin.' Sabi ko naman at kumalas na sa yakap. Dumeretso ako sa kung saan man kame nanghuhugas ng kamay at tuluyan ng umupo para makakain na ako.

Habang kumakain kame may napansin akong box ng cake sa bandang kusina. Di naman bumibili si mama ng ganto ah.....

'Ma? Saan galing yun?' Agad kong tanong kay mama at itinuro ang tinutukoy ko.

'Ah yan? Boyfriend mo raw. Ikaw hah, may boyfriend ka na pala pero wala kang sinasabi sakin.' Pang-aasar ng mama ko sakin.

Talagang nangaasar yung lalakeng yun ah. Di ko na inubos ang pagkain ko at dumeretso na ko sa kwarto ko para makapaghanda na.

The Bad Boy's LadyWhere stories live. Discover now