36

418 18 0
                                    

"Hay nako Yums, dahan dahan naman...." Hingal na hingal si Aya kakahabol sakin. Tumingin siya sa kausap ko at nagulat, "Sino ka?"

"Oh hey, Im Kamri." Pagpapakilala ni Kamri sa sarili niya.

Tumango tango naman ni Aya bilang sagot.

"Kamri? Bakit ang familiar ng pangalan mo?" Unti unting narealize ni Aya kung sino ang kausap namin kaya tinignan niya ako na parang nagtataka pa.

"Kinekwento ba ako ng kaibigan mo sayo?" Tanong ni Kamri at tumingin sakin.

"Tama.... Ikaw yung magpapakasal sana kay Drake.... Hindi ba?" Nagulat si Kamri sa tanong ni Aya. Tinignan niya ito ng masama dahil siguro naoffend.

Agad na tumingin sakin si Kamri, "We really do have a lot of things to talk about."

Nanatili akong walang sinasabi at nakatayo lamang. Wala naman kase talaga akong masabi eh.

"Arent we gonna go yet?" Tanong muli ni Kamri.

"Nga-Ngayon?" Nauutal kong sabi. Hindi pwede, may pupuntahan pa kame.

"Duh? Alangan namang makikipagmeet pa ako sayo some other time?" Tinaasan niya ako ng kilay.

Liningunan ko si Aya na nagtataka sa pinaguusapan namin.

"Mauna ka sa hospital." Sabi ko rito. Makikipagtalo pa sana siya ngunit naunahan ko na ito, "Sigi na, susunod ako." At ayun nagsimula na siyang maglakad palayo.

"Saan tayo?" Tanong ko kay Kamri.

"Starbucks." Sabi neto at nauna nang maglakad. Sumunod naman ako sakanya. I do have a bad feeling about this.

"What do you want to drink?" Tanong nito nung nakaupo na kame sa sulok.

"Hindi na...."

"Oh c'mon, name it. Ako naman ang magbabayad since Im the one who invited you here." Nakangiting sabi niya. Alam kong plastic ang mga ngiting yan. Sa konting panahon na magkasama kame ay alam ko kung alin sa mga pinapakita niya ang totoo.

"Matcha latte nalang. Salamat." Pagkasabi ko ng order ko ay tumayo na ito at dumeretso sa counter.

Ano kayang paguusapan namin? Baka biglang dadating si Lindsay at pagtutulungan nila ako. O di kaya, papatayin nila ako? Luh, di naman ata.

Kakausapin niya ba ako tungkol sa kasal nila? Ipapamukha niya ba sakin lahat ng nangyare?

Naprapraning na ako kakaisip.

"Scared much, Yums?" Sabi ni Kamri habang karga karga ang tray kung saan nakalagay ang mga inorder niya. Binaba niya ito sa lamesa at umupo na rin. Binigay niya sakin ang order ko at tinignan na ako ng malalim.

"If you are then dont be. Im just here to make things clear to you." Dagdag neto sa sinabi niya. Sa sinabi niya ay medyo nabunutan ako ng tinik. Medyo lang naman dahil sa fact na nasa harap ko ngayon si Kamri ay nakakatakot. I shouldnt be scared pero marami siyang kayang gawin na hindi ko magawa, and sa fact palang na yan ay talo na ako.

"Get to the point." Dahil atat na atat na akong matapos ang paguusapan namin.

"Chill, wag kang magmadali. Bakit parang ayaw mo akong makasama? Hindi mo ba ako namiss?" Nakangisi niyang sabi sakin at nagsip sa drink niya.

"Ano bang gusto mong sabihin?" As much as possible kase gusto ko na makaalis dito kung eto lang naman pala ang paguusapan namin.

"Kumusta kayo ni Drake?" Nagulat ako sa kanyang tanong. Anong ibig niyang sabihin?

"O-okay naman kame...." Sagot ko.

Hindi ko talaga mabasa ang gusto niyang ipahiwatig sakin.

"Thats good to hear then." Tumango tango pa siya.

The Bad Boy's LadyWhere stories live. Discover now