43

409 18 0
                                    

"Take care!" Sabi ko kay Drake nung nakababa na ako ng sasakyan niya.

"Bye! See you tomorrow!" Sabi naman niya at nagmaneho na paalis sa building ng condo ni Aya.

11 pm na ng gabi kaya masyado na akong inaatok, buti nalang talaga at walang pasok bukas.

Habang naglalakad ako patungo sa elevator ay di ko mapigilab ba tignan ang singsing na bigay ni Drake.

Pinaparamdam sakin ng singsing na to na magiging okay rin ang lahat sa huli. Parang nawala lahat ng bigat ng pakiramdam ko

Nung nakadating na ako sa labas ng condo ni Aya ay nagdoorbell ako. Binuksan naman niya ito agad at mukhang masayang masaya.

"Masaya ka ata?" Salubong ko sakanya. Sinara ko na yung pinto at nilock ito. Dumeretso ako sa kusina niya para magsalin ng tubig.

"Ikaw nga yung masaya diyan eh!"

Pagkatapos kong uminom ng tubig ay dumeretso ako sa kinaroroonan ni Aya, umupo ako sa tabi niya.

"Bakit di ka pa natutulog?" Tanong ko sakanya.

"Ulol. Pano ako matutulog pag wala ka pa?"

"Oo nga naman. Teka nga, bakit ang saya mo? May nangyare ba?" Tanong ko sakanya.

May iba talaga sa mood ng babaeng to, ang saya niya ngayon.

Kinuha niya yung phone niya at may pinakitang picture sakin. Tinakpan ko naman yung bunganga ko dahil sa gulat.

"AAAAAAH!" kinikilig niyang sigaw.

"Omg.... Panong nangyare yan?" Gulat ko paring tanong.

Stolen shot lang naman ito ni Kent na kumakain. So nagdate ba silang dalawa? Pano? Omg!

Binato niya ko ng unan at tinignan ng masama.

"Wow hah! Gulat na gulat? Ganon ba kaimposible na makasama sa dinner ang dute husband ko?"

"Gaga. Nagulat lang! Kwentuhan mo nga ko." Sabi ko sakanya.

Oa naman.

"Kase ganito yan...." Nagsimula na siyang magkwento.

Galing siya sa bahay ng parents niya. Naisipan niya munang dumaan sa mall para makapag-grocery. Habang nag-grogrocery ay nakita niya si Kent kaya agad niya itong nilapitan.

"Tapos, sabi ko sakanya na may pag-uusapan kame. Tapos boom! Pumayag kaya ayun nag-usap kame over dinner." Kinikilig parin siya habang nagkwkwento.

"Ano naman pinagusapan nio?"

"Yung nangyare sa bar. At some point nagpapasalamat tuloy ako na nangyare yon."

Binatuhan ko siya ng unan. Loko! Walang hiya!

"Grabe talaga yung kamandag mong babae ka." Natatawa kong sabi sakanya.

"Sana all strong." Dagdag ko pa.

Tumawa lang siya sa sinabi ko.

"Oh ikaw, bakit ang saya mo? Anong nangyare? Tsaka.... Bakit ngayon ka lang?!" Sunod sunod niyang tanong.

"May nangyare sainyo ni Drake?!" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya.

What the?! Pano niya naisip yan.

"Hoy anong sinasabi mo? Wala syempre. Timang." Sabi ko naman.

Grabe naman rin kase ang imagination ng babaeng to, nakakaloka.

Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ko. Ganon ba tingin niya samin?

"So ano nga? Bagal naman magkwento. Atat na ko girl." Sabi niya pa at mas lumapit sakin.

The Bad Boy's LadyWhere stories live. Discover now