26

525 24 2
                                    

'Okay class, were having a laboratory activity and I'll pair you.' Sabi ng teacher namin.

Sana naman maayos yung partner ko.

'Diaz and Gomez.' Pagsisimula ng teacher. Wth.

'What?!' Di makapaniwalang sigaw ni Zeke. Lahat kame napatingin sakanya dahil sa lakas ng sigaw niya.

Di ko mapigilan na tumawa ng mahina habang tinignan yung itsura ni Kent. Tinignan niya naman ako ng masama.

'Do you want us to kill each other?' Naiinis parin na tanong ni Zeke kaya tumawa naman kame lahat.

'Do you want to fail?' Backfire ng teacher. Di naman nagsalita muli si Zeke dahil mukhang walang na rin siyang magagawa.

'Next pair, Grey and Kinley.' Napasigaw naman ng masaya sina Lindsay at Kamri. Magbestfriend nga talaga.

'Travis and Lathrel.' Halos mapatalon ako sa gulat ng narinig kong tinawag ako.

Lumingon yung lahat samin. Tinignan ko naman si Lindsay na inis na inis sa mga narinig niya. Di ko napigilan na lumingon kay Drake na seryoso lamang nakikinig sa teacher. Mukhang wala siyang pake. Sabagay, activity lang to.

Nung natapos na e announce lahat ng magkapares ay binigay na yung instructions sa mga dapat naming gawin, 1 pair at a time lang daw ang pwedeng gumamit ng lab. Parang gusto ko na nga mauna para matapos na to lahat eh. Tadhana nga naman.

'You know what, pwede nating kausapin si maam so that makachange ka ng partner.' Agad na sabi ni Kent nung nakalabas na yung teacher namin. Ayan nanaman siya eh. Di niya ba nakikita na walang pakealam si Drake sa nangyayare, sa gagawin niya mas pinapakita niya lang na apektado ako.

'No need Kent. Wag ka nang mag-alala. Baka ikaw gusto mong pumalit ng partner.' Pang-aasar ko sakanya. Agad naman nagbago yung mukha niya at naging seryoso ito.

'Joke lang.' Agad ko naman na sabi. Di niya naman ako pinansin at sinimulan namg ligpitin ang mga gamit niyang nakalapag sa lamesa.

'Huy Kent, joke lang nga.' Sabi ko ulit. Pero di niya parin ako pinapansin.

Ah ganon.... Kala niya ba kukulitin ko siya hanggang sa pansinin niya ako? Pwes, nagkakamali siya.

'Bahala ka nga diyan, mas babae pa sa babae kung makaasta eh.' Sabi ko at tuluyan ko na siyang iniwan sa classroom.

Bahala siya.

Naisipan ko naman na puntahan si Zeki sa classroom nila para sabay na kameng kumain, break time kase.

Nung dumating na ako sa classroom niya ay nakita kong nakikipagkwentuhan siya sa babae niyang kaklase. Di na ako nagdalawang isip na lumapit.

'Zeki!' Agad na bati ko sakanya nung nakadating na ako sa kinaroroonan niya.

'Oh, Yumi! Pupuntahan sana kita sa classroom eh. Teka, where's Kent.'

'Si Kent? Ayun ayaw akong kausapin dahil sa lab activity.' Sagot ko.

'Hmm, sa cafeteria na natin yan pagusapan.' Sabi naman niya at kinuha yung mga gamit niya.

'I'll go ahead Lilian. Talk to you later.' Pamamaalam niya sa kausap niya. Tinignan ko naman ito at nginitian.

-----

'So tell me what happened.' Sabi naman ni Zeki habang sumusubo ng pagkain.

Napasigh naman ako.

'Well, magkakaroon kame ng lab activity by pair.' Pagsisimula ko.

Di siya nagsalita at nakikinig lang.

The Bad Boy's LadyWhere stories live. Discover now