51

368 20 0
                                    

"First destination, Cloud 9!" Excited na sabi ni Drake habang inaayos namin ang mga gamit namin.

Ang aga namin nagising, 6 am palang ay nagreaready na kame.

"Cloud 9?" Walang kaalam alam kong tanong sakanya.

"Yes. It's just a few minutes walk from here." Sagot naman niya habang abala parin sa pag-aayos ng mga gamit niya.

Katulad niya ay busy rin ako. May dala akong brown na tote bag na perfect para sa vacation namin, lalong lalo na pag may kailangan akong dalhin kapag lalabas kame sa pinagstastayan namin.

Sa loob ng totebag ko, may sunglasses, sunblock, extra clothes, tsaka camera..... for memories.

"Let's go?"

Pinauna niya akong lumabas ng kwarto at saka naman siya sumunod.

"Ang ganda naman dito!" Masaya kong sabi habang tinitignan ang paligid. Napakaganda pala talaga dito.

"Nakapunta ka na ba dito? Masyado mo kase kabisado." Dagdag ko naman.

Dumeretso siya sa isang cottage habang hawak hawak ang kamay ko.

"Went here with my family last time." Sagot naman niya.

Tumango naman ako sa sinabi niya.

"Do you know how to surf?" Tanong niya sakin habang tinatanggal ang kanyang damit pantaas.

Nakatulala pa ako rito kaya natagalan akong sumagot. Yung abs bes!

"Yumi?"

Agad akong napailing at umiwas ng tingin nung narinig ko ulit yung boses niya.

"H-Huh?"

Tumawa siya ng mahina na parang may ginawa akong masama. Nakakahiya naman!

"I said, do you know how to surf?" Ulit niya.

"Bakit?"

"Because we'll go surfing. If you dont know then, I'll teach you." Sagot naman niya.

Hindi pa ako nakapagsurf before kaya hindi ko alam kung paano, pero kahit papaano ay gusto ko itong matutunan.

"Hindi ko alam kung paano eh."  Sagot ko naman.

"Do you want to learn or just watch me?" Tanong naman niya.

"I want to learn, okay lang ba?"

Lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko.

"Of course. Dali, go and change. I'll wait here." Nakangiti niyang sabi saakin.

Tumango ako sakanya at dumeretso sa bathroom kung saan nagpapalit ng damit.

Suot ko nalang ngayon ay isang rush guard at shorts.

Naglakad na ako patungo sa cottage namin at nadatnang nakaupo si Drake dun habang nakatingala sa langit.

I felt something na masakit sa puso ko. Napatigil ako sa paglalakad at tinitigan si Drake.

Kinuha ko yung phone ko at pinicturan siya dahil wala pa kameng picture together. Tsaka, para kung wala na kame, may memory ako sakanya.

Bumuntong hininga ako bago tuluyang lumapit sakanya.

"Relax your body, wag kang kabahan. Im here." Sabi niya habang tinuturuan ako kung paano magsurf.

Ika ilang beses ko na to pero hulog ng hulog parin ako sa tubig. Hindi ko talaga makuha.

"Ah! Hindi ko talaga kaya! Ikaw na nga lang!" Sabi ko nung nahulog nanaman ako sa tubig.

Tumawa pa siya bago ako tinulungang makaahon sa tubig.

The Bad Boy's LadyWhere stories live. Discover now