29

563 28 0
                                    

Halo halo ang nararamdaman kong emosyon. Saya, kaba, takot, lungkot, tila bang naghalo halo ang lahat ng pwede kong maramdaman ngayong nandito na si Drake sa harapan ko.

Di parin natatanggal ang mga ngiti niya sa kanyang labi, ganon na rin sakin, di ko mapigilang ngumiti. Alam kong magsisimula ng giyera ang aking gagawin pero I want to think about myself naman, I want to think about us.

Iisipin ko nalang na walang problema ang di natin kayang lampasin.

'We need to talk Drake.' Ani ko agad pagkakalas ko sa yakap. Tumango naman siya bilang sagot.

Without thinking about the people around us ay nagsimula na akong maglakad palayo sa lugar na yon, nagsimula na akong maglakad patungo sa lugar kung san pwede kameng magusap ng tahimik.

Parang tuta si Drake na sumusunod sakin at di ko maiwasang ngumiti dahil diyan.

Nananaginip lang ba ako?

'What are you doing here?' Agad kong tanong sakanya pagkadating namin sa lugar na aking sinasabi. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at nagtaas ng kilay. The uniform fits him well. Tight black pants, white polo with a neck tie, and a black coat. He looks so good.

'Im studying here.' Sagot naman niya ng nakangiti parin.

Bumuntong naman ako ng hininga at nagsalita ulit.

'Bakit dito? Pano?' Sunod sunod kong tanong sakanya. Di naman sa ayaw kong andito siya, kaso bakit siya andito? Yan ang gusto kong malaman.

'Bakit dito? Kase nandito ka. Pano? I told my mom and begged. Kahit di siya pumayag sa una ay napayag ko parin siya.' Sabi naman niya at ngayon ay wala na yung ngiti niya sa labi.

'Things I do for you, Yumi.' Dagdag niya kaya napatingin ako sa kanyang mga mata.

'Di naman kita pinilit ah.' Agad kong sabi sakanya at umiwas ng tingin.

'Di mo na akong kailangan pilitin because Im willing to sacrifice anything just to protect and be with you.' Sabi naman niya kaya muli akong napatingin sa kanyang mga mata.

This is it. I need to tell him what I truly feel for him, he needs to know before everything's to late.

'Do you really like me?' Lumaki ang mata niya sa tanong na tinanong ko. Pati ako ay nagulat, gusto ko ngang sampalin ang sarili ko dahil nahihiya ako sa tinatanong ko sakanya pero I need to bear everything.

'More than you could even imagine.' Deretsuhan niyang sagot. Ngumuso naman ako upang matago ang ngiti ko. Di niya pwedeng makitang kinikilig ako nu, nakakahiya na.

'Bat mo natanong?' Dagdag naman niya. Tinignan ko siya ng seryoso at ngumiti. Nagtaas naman siya ng kilay sa ginawa ko.

'Because....' Shet, bakit di ko masabi?

'Because?'

'Because, I like you too.' Sabi ko habang nakapikit. Di siya nagsalita kaya dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata. Nakatingin lang siya saking ng seryoso at mukhang di makapaniwala sa sinabi ko.

'You what?' Di makapaniwalang sabi niya.

Kailangan bang ulit-ulitin?

'Aish. Bahala ka. Ayaw ko nang ulitin ang sinabi ko.' Padabog dabog kong sabi at umiwas ng tingin.

Tumawa siya ng mahina at pinat ang ulo ko kaya muli akong humarap sakanya.

'Just one more time. I just want to make sure na tama yung narinig ko.'

Bumuntong hininga naman ako.

'K fine. I like you Drake, I really do.' Sabi ko at nginitian siya ng malapad.

The Bad Boy's LadyWhere stories live. Discover now