57

446 18 4
                                    

"H-Huh?" Hindi ako makatingin sakanya.

Lintek.

Wait, so does that means na hindi niya pa nadedelete yung number ko?

"You called me last night, didnt you?"

"Wala nu!" Pagdedepensa ko sa sarili ko habang hindi parin nakatingin sakanya.

Leina!! Humanda ka talaga sakin bukas!

"Then what is this?" Napatingin ako sakanya nung pinakita niya sakin yung pruweba na tinawag ko nga siya.

Tama, nakasave parin yung number ko sakanya.

"Hah? Hindi yan ako.... Ano oh, nawala kase yung lumang cellphone ko kasama yung sim kaya siguro yung nakakuha yung tumawag sayo.... kagabi, diba?" Pagdedeny ko.

Hindi niya pwedeng malaman na tinawagan ko siya nu! Ang awkward nun, baka iisipin niyang..... sinadya ko talagang tawagan siya.

Nagulat ako ng biglang nagring ang cellphone ko.

Agad ko itong kinuha sa bulsa ko at tinignan kung sino ang tumatawag. Nanlambot ang katawan ko nung nalaman ko na kung sino ito.

Drake.

"You're very bad at lying." Pailing iling niya pang sabi at binalik yung cellphone niya bulsa niya.

Hindi ako makagalaw dahil sa hiya. I was caught in act! Parang may ginawa akong crimen kahit wala naman. Nakakahiya!

"Si Leina ang tumawag hindi ak-"

"Go in, its already late. See you at work." Pagpuputol niya sa sinabi ko.

Nanatili pa akong nakatingin sakanya hanggang sa tinaasan niya ako ng kilay. Padabog dabog akong bumaba ng sasakyan at mabilis na naglakad papasok sa condo ko.

Nagmamadali ata siyang pababain ako? Sabagay, makikipagkita pa pala sa girlfriend niya ngayong gabi! Hindi naman sa gusto ko pa siyang makasama ng matagal pero hindi nalang sana siya nagvolunteer na e hatid kame diba?

Nakakahiya! Kasalanan to ni Leina eh! Ang kulit kase kaya ayan!

Binaba ko agad ang mga gamit ko sa sofa at dumeretso sa kitchen upang uminom ng tubig. Grabe masyado akong napagod ngayong araw ah, tapos dumagdag pa yung magaling na boss namin.

Pagkatapos ay dumeretso ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Hiningi ko rin kay Kent yung number ng nagpapaayos ng sasakyan para maipaayos ko ng maaga bukas. Kent is like a brother to me, alam kong may something siya for me, pero I already made it clear to him na hanggang dito lang kame.

Sinend naman sakin agad ni Kent ang number kaya agad ko itong tinawagan.

Kailangan kong magising ng maaga bukas dahil mahirap magcommute. Kaso hindi ako makatulog dahil biglang pumasok sa isip ko yung singsing na suot ni Drake kanina. Impossible naman na hindi amin yun.

Teka, bakit ba napakabig deal sakin neto? It was just a freaking ring for Pete's sake!

Other than that, talaga bang may girlfriend na siya or ako lang talaga yung nag-iisip niyan?

Nagising nalang ako dahil sa alarm, gaya nga ng sabi ko, kailangan kong magising ng maaga dahil mahirap mag commute, kailangan ko na rin makabili ng bagong sasakyan, but I need money first.

Habang pababa ako ng condo ay dinial ko ang number ni Shea, maaga siyang nagigising so probably gising na siya ngayon.

I just want to ask her about our resto, hindi ko na ito magagawa mamaya dahil magiging busy nanaman ako.

The Bad Boy's LadyWhere stories live. Discover now