37

432 21 0
                                    

"Oh saan ka nanggaling? Akala ko ba ay sandali ka lang makikipagusap sa Kamri na yon? Bakit umabot ng isang oras?" Salubong sakin ni Aya pagkapasok ko sa kwarto ni Drake.

Nandito na rin pala sila Zekiya at Kent na seryoso lang nakatingin sakin.

"Traffic kase..." Pagdadahilan ko.

Sa totoo lang kaya lang naman ako nagtagal dahil nagstay pa ako sa loob ng Starbucks at inisip ang mga sinabi sakin ni Kamri, masyado kaseng may sense.

"Inaway ka ba ni Kamri kaya ganyan ang itsura mo?" Nag-aalalang tanong ni Zeki saakin nung napansin niyang hindi ako mapakali.

"Hinde. Wala. Nag-usap lang kame." Sagot ko naman at saka umupo sa upuan na nakatabi sa kaba ni Drake.

"Sigurado ka?" Paninigurado ni Zeki.

Tinignan ko siya at tumango. Napailing nalang ito at dumeretso sa ref para kumuha ng tubig.

Binaling ko ang pansin ko kay Drake. Medyo nagiging okay na rin yung mga pasa niya.

"Wala bang ibang bumisita?" Tanong ko. hoping na sana bumisita yung tatay niya. Alam kong kahit ganito ang situation nila ay may pagmamahal parin si Drake sa tatay niya.

"Wala ibang bumisita sabi ng nurse maliban nalang kay tita niya na kakaalis lang." Sagot ni Zeki at saka umupo sa sofa sa may gilid ng kwarto.

Nadismaya ako sa sinabi niya pero hindi ko ito pinakita.

"Ah ganon ba. Eh si Drake kumusta?" Tanong ko ulit.

"Oh good news." Masayang sabi ni Zeki.

"Ano?"

"Nagising na si Drake kanina, pero nakatulog ulit. Ikaw ang una niyang hinanap. Sabi pa nga niya gisingin namin siya pagkadating mo. Ano gigisingin ba namin?" Parang nabunutan ng tinik ang kalooban ko sa isinagot ni Zeki. Nagising na si Drake?! Salamat naman!

"Wag na.... Hayaan nalang natin siyang magpahinga." Masayang sabi ko. Tila nawala lahat ng lungkot na nararamdaman ko kanina.

Tumango nalang sila bilang sagot sa sinabi ko.

"I have to go guys. May emergency sa office ni dad." Natatarantang sabi ni Kent.

"Are you okay? Ano daw?" Nag-aalalang tanong ni Zeki.

"Ill explain tomorrow. I have to go. Bye!" Sabi niya at mabilis na lumabas galing sa kwarto ni Drake.

"Okay lang yun siya?" Nag-aalalang tanong ni Aya samin.

Tinignan siya ni Zekiya at ngumiti ng malapad.

"Hmmmm. Why do you look so worried?" Pang-aasar ni Zeki sakanya.

Huli ka balbon! Haha! Ang obvious naman kase hay nako.

"Ha? Hindi naman ako worried ah!!" Pagdedepensa ni Aya sa sarili niya. Hahaha di ko nalang napigilan na matawa, eh pano ba naman kase masyado nang obvious.

"Umamin ka nalang." Pang-aasar ko sakanya. Agad niya akong tinignan ng masama at parang nagbabanta pa.

"I knew it! Ayieeeee Kent!" Patawa tawa na sabi ni Zeki.

"Uy hindi ko nga yun crush!" Sabi naman ni Aya na pulang pula na ang pisngi.

"Hah? May sinabi ba kameng crush mo si Kent? Ikaw hah!" Natatawa kong sabi sakanya. Parehas kameng tumatawa ni Zekiya dahil sa reaksyon na binabato ni Aya.

"Ang ingay niyo, natutulog yung tao eh." Agad kameng napatahimik nang may biglang nagsalita.

"Drake? Gising ka na?" Gulat na tanong ko nung nakita kong nabukas na ang kanyang mga mata at nakatingin samin.

The Bad Boy's LadyWhere stories live. Discover now