31

465 24 0
                                    

'Malayo pa ba tayo?' Tanong ko sakanya habang umaakyat kame sa cliff na nakita ko kanina. Mataas ang cliff sobrang taas kaya nakakatakot pero I feel safe kase nakaalalay naman sakin si Drake. First time ko to.

Nginitian niya lang ako at di ako sinagot. Di na rin ako nagsalita hanggang sa nakarating kame sa tuktok ng cliff. Ang ganda dito. Fresh air na fresh air. Ang ganda talaga guys....

Di ko mapigilan na ngumiti dahil na sa sobrang ganda at syempre sa sobrang saya na nararamdaman ko. Lumingon ako kay Drake na nakangiti at nakatingin lang sakin. Tinaasan ko siya ng kilay dahil nakakaconscious naman rin kase.

'Do you like it?' Nakangiting tanong niya.

'I love it Drake! Ang ganda dito!' Manghanh mangha ako sa buong isla. Napakaganda....

'When you look closely hugis puso ang buong isla. Isnt it nice?' Sabi naman niya habang nakatingin sa buong paligid. Binalik ko ang tingin ko sa buong isla at oo nga kung titignan mo ng maigi ay hugis puso nga ito. Wow, mas namangha ako. Napakaganda talaga guys. The scenery and everything..... So perfect.

'Yumi....' Lumingon ako kay Drake na tumawag sakin.

Nakatitig lang siya sa mata ko, as in titig na titig. Nararamdaman ko ang lungkot at saya sa kanyang mga mata.

'I promise you that Im going to stop that wedding....' Paninimula niya. Di ako nagsalita upang matapos niya ang kanyang sasabihin.

'But promise me, you'll stay through thick and thin... Kahit hindi successful, please stay with me.' He continued almost begging.

Napakagat ako sa labi, di ko maiwasan na malungkot sa kanyang sinabi. I knew it! Walang kasirugaduhan na matitigil niya ang kasal nila. Gaya nga ng sabi ko makapangyarihan ang pamilya ni Kamri, mas makapangyarihan pa sa nakaraang babae na ipapakasal sakanya.

Hindi ko alam.... Ayaw kong maging kabit nu! Eh anong tawag sa babae ng lalakeng kasal na? Kabit diba? Kahit mahal na mahal ko si Drake ay ayaw ko ring maging isang ganun.

Di parin ako sumagot dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sakanya.... Nalilito ako.

'Its okay if you want to go, pero kahit talikuran mo man ako sa mga oras na yun ay mamahalin parin kita. Susubukan ko ang lahat upang mapigil yun. I will do everything for you, I will turn everything down just not you.' Kalma niyang sabi ngunit ramdam na ramdam ang lungkot sa bawat salita na binibitawan niya.

Naisip ko bigla ang pamilya niya, pano pag magagalit ito sakanya dahil lang sakin? Yung yaman nila, pano pag biglang mabunkrupt dahil sakin? Pano pag magkakanda leche ang kanyang buhay ng dahil lang sakin? Pano pag mawala ang lahat sakanya nang dahil lang sakin? Di naman makakaya ng konsensya ko yan.

'Drake.... Pano pag mawala ang lahat sayo?'

lumapit siya sakin at hinawakan ang dalawa kong kamay.

'Youre my everything....' Sabi niya at saka siya bumitaw ng isang ngiti, isang ngiting malungkot.

Nahihirapan ako, biglang nag debate ang isipan ko. Bata pa kame ni Drake marami pang mangyayare sa buhay namin, di naman sa hindi ko siya mahal pero iniisip ko rin yung mga posibilidad.

'Yumi, just trust me. You dont have to do anything but to just trust me.' Dagdag niya pa. Nakatingin lang ako ng deretso sa kanyang mga mata. Nalilito parin ako pero gusto kong magtiwala kay Drake.

'Just trust me, please?' He begged. Pinili kong mapunta sa relasyon na ito...... I think we should trust each other, I should trust Drake.

'I trust you.' Without any hesistation I hugged him tight. I will trust Drake. Bahala na si batman.

The Bad Boy's LadyWhere stories live. Discover now