39

409 18 0
                                    

"Bakit ganon kayo kung makatingin?" Nagtatakang tanong ni Kent samin.

Kanina pa kase kameng nakatingin sakanya habang nakangiti. Nahatak ni Yassi si Kent para maupo kasama namin kaya eto siya ngayon, surrounded by girls. Busy rin sina Akhi at Drake dahil kakadating lang ng parents ni Akhi, at nandun sila ngayon nakikipag-usap.

Pabalik balik ang tingin namin kay Aya at kay Kent.

"What? You guys are making me feel uncomfortable.... Ano? May gusto ba kayong sabihin?"

"Do you like someone now?" Deretsuhang tanong ni Yassi sakanya na ikinagulat naman ni Kent.

Kinurot ni Aya yung braso ko na halatang nahihiya na rin sa ginagawa namin ni Yassi.

"What kind of question is that?" Patawa tawa na tanong ni Kent.

"Just answer my question. Yes or no lang naman di pa makasagot." Pag dedemand ni Yassi.

"Okay fine." Sumuko na rin siya, "I do like someone right now...." sagot niya at tumingin sakin.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"And who's that someone?" Follow up question ni Yassi.

"Secret." Umiwas agad ng tingin si Kent sakin at uminom ng champagne.

What was that?

Napatingin na rin si Aya sakin at nginitian ako, pero feel ko may something sa ngiti niya.

"Ang secretive mo naman masyado Kent." Reklamo ni Yassi.

"Hindi niya pwedeng malaman na gusto ko siya...." Sabi naman ni Kent.

"Gusto mo ng jowa?" Tanong ko kay Kent tumingin kay Aya. Nanlaki ang mata ni Aya sa tinanong ko kay Kent.

Dont worry, hindi kita e bubuking.... Not now.

"Luh? Anong klaseng tanong yan? Youre acting so weird. C'mon, ano bang gusto niyong sabihin sakin?"

"Kase Kent, wag ka namang manhid diyan." Singit ni Yassi.

Napatawa si Kent sa sinabi ni Yassi.

"Manhid? Lol."

"So ano nga sagutin mo tanong ko." Sabi ko kay Kent. Hindi pa kase niya nasasagot yung tanong ko.

"I dont want to have a girlfriend unless that girl is the girl I like. Pag games games lang edi pass ako diyan. I dont play with feelings." Seryosong sabi niya habang seryosong nakatitig sakin.

"Ha ha ha! Sino ba yan gusto mo Kent? Bakit hindi ka nalang umamin?" Lahat kameng tatlo ay gulat na napatingin kay Aya. Hala! Lasing na siya. Ubos na yung alak na inorder ni Kent. Wtf? Kanina pa ba siyang umiinom?

"Uhmm. I think your friend's drunk already." Nag-aalalang sabi ni Kent habang seryosong nakatingin kay Aya.

"Drunk? Im not drunk! Im inlove-" Agad kong tinakpan yung bunganga ni Aya dahil mapaamin ng wala sa oras.

Nagpumilgas si Aya sakin pero hindi ko parin siya binibitawan hanggang sa kinagat niya ang aking kamay.

"Aray!!" Agad kong hinila yung kamay ko sakanya. Putek ang sakit naman.

"Wag ka ngang epal Yumi! This is my time to shine!" Buti nga at walang nakakarinig sakanya kundi kame lang. Tinaas taas niya pa ang kamay at winagayway. Hala baliw.

"Aya umuwi na tayo...." Sabi ko sakanya. Medyo napapahiya na siya sa ginagawa niya sa harapan ng crush niya eh.

"Ayaw ko pang umuwi. Gusto ko pa siyang makasama." Sagot naman niya at napatingin kay Kent. Lasing na lasing na si Aya at hindi ko alam kung ano ang gagawin. Hindi ko naman rin matawagan si Drake dahil kausap niya mga magulang ni Akhi.

The Bad Boy's LadyWhere stories live. Discover now