Chapter 2 : The search is over

144K 3.7K 895
                                    


***

One week and fourteen hours later, naiisnab pa rin ang text at pasaload ni Tonya. Pinagpuyatan pa mandin nila ni Mitch ang misteryo ng pananahimik ni Hans, nang gabing uminom sila ng kaibigan. Walang sumasagot sa cellphone ng dating nobyo sa tuwing tinatawagan niya kahit nagri-ring naman. Nang puntahan naman niya ang bahay ng nag-iisa nitong kapatid na babae, ibang tao ang nagbukas ng pinto. Wala na raw roon ang hinahanap niya. Nang subukan niyang puntahan ang bahay ng mga magulang ng lalaki, wala na ring tao.

At parang ipinagsusumigawan ng tadhana ang kamalasan niya, isang gabi sa trabaho ay sinalubong siya ng isa pang masamang balita.

"I have to let you go, Tonya," sabi ni Mr. Cottey sa kanya.

Kunot ang noo ni Tonya sa lalaking naging boss niya sa hindi mabilang na taon. Naka-suit and tie ito. Makisig kahit na aapatnapuin na ang edad. May lahing Amerikano.

Siya ang pinakamatapat at pinakamatagal na empleyado sa shipping business nito. Humakot siya ng Employee of the Month award sa pagiging encoder at tracker ng shipments sa loob at labas ng bansa. Sabihin nang mabagal ang utak niya pero magaling naman siyang sumunod sa instructions. Sa ilang taong pagtatrabaho roon ay kabisado na niya ang lahat ng dapat at kailangang gawin.

"Is it because I'm late tonight, Sir?" naguguluhang tanong niya. Una at kaisa-isang gabi na na-late siya ng sampung minuto sa time-in. At dahil lang 'yon sa mabagal na jeep na nasakyan niya. "Sorry, Sir. Hindi na po mauulit."

Umiling ang lalaki. "It's not that, Tonya. We have to let go of some employees. And you don't seem yourself lately."

"Po? I'm myself, Sir. Wala po akong sapi."

"Well, if you want the truth–I don't want to tell you this but–you're incompetent."

Incompetent. Noun. 1, Someone who is not competent to take effective action. Adjective. 1,
legally not qualified or sufficient. 2, not qualified or suited for a purpose. 3, showing lack of skill or aptitude. 4, not doing a good job. 5, not meeting requirements.

Incompetent daw siya. Translation: Hindi magaling. Hindi qualified. Kinulang.

"But I've been in your company for the past years. Wala naman pong problema. Bakit po ngayon..."

Umiling uli si Mr. Cottey. May banaag ng awa at panghihinayang sa mata nito na mabilis ding napalitan ng resolusyon.

"I'm sorry, Tonya. The company is changing the systems and we just can't let you stay. You just won't keep up."

Period. The end. Malalim lang na bumuntonghininga ang boss niya bago nagmamadaling umalis. May importante raw itong aasikasuhin.

Nagtrabaho pa rin si Tonya nang gabing iyon kasunod ng pagliligpit ng mga gamit sa station niya. Nang mag-umaga ay bumalik siya sa sariling apartment para lang i-welcome ng mga natitirang gamit niya. Nakakahon ang mga iyon at nakatambay sa pinto. May letter of eviction din doon mula sa landlord na nagsasabi:

Dear Ms. Atienza,
You are hereby evicted from this apartment.

Signed, Landlord

Napakurap-kurap si Tonya sa sulat. Iniisip niya kung bakit maiksi na naman iyon gaya ng sulat ni Hans. Matagal na niyang alam na man of few words ang matandang lalaking namamahala sa building, pero hindi niya akalaing pitong salita lang ang isusulat nito sa pagpapalayas.

Kakausapin niya pa sana ang landlord pero naalala niyang wala siyang pambayad ng upa sa kasunod na buwan. 60 days naman bago niya makuha ang natitirang sahod at backpay sa inalisang trabaho.

The Late Bloomer (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now