Chapter 11 : Tampisaw sa Dagat

113K 3.3K 498
                                    

***

Breathe in. Breathe out.

"Fresh air! Dagat!" halos magkasabay na sigaw nina Portia at Tonya.

Humagikgik ang mas batang babae at masuyong umangkla sa braso niya.

Huminga uli nang malalim si Tonya. Pinasuot sa sistema niya ang presko pero maalat na hangin sa tabing-dagat. Halos walang tao sa pribadong resort kung nasaan sila. Kalmante ang asul na alon na tinatanaw nila. At malamig sa paa ang buhangin. Bitbit nila ang hinubad na sandals ayon sa paglalambing ni Portia.

Hindi na matandaan ni Tonya kung paano ang magkaroon ng mas batang kapatid. Matagal na kasing nasa ibang bansa sina Sharon, Beverly, at Anelle. Isang beses kada dalawang taon ang uwi ng mga ito. Sanay sana siyang maging panganay.

Portia reminded her how good it is to have someone who always wants her attention. Parang nagpapa-baby, nagpapapansin, o naglalambing.

"Ang tagal na nang huli akong magpunta sa beach, Ate Tonya. Ikaw ba?"

"Sobrang tagal na rin," sagot niya. "First year high school pa lang yata ako no'ng huli."

Sa totoo lang, iyon na ang huling happy memory niya. Pagkatapos noon, nalusaw sa kabilaang pagkakasakit at pagkasira ng bahay ang kabang-yaman nila. Nabaon sila sa utang. Hinabol at hiniya ng mga inutangan. Nang mamatay ang Papa niya, siya ang tumayong breadwinner ng pamilya. Sa limitado niyang logic, ang ibig sabihin ng pagiging breadwinner ay all work and no play.

Pumangit din ang mundo niya nang mawala ang ama. Wala na kasing nagsasabi sa kanyang cute ang mataba.

Until today.

Nilingon niya si Grey na kausap ang matandang lalaking caretaker ng resort. May bitbit na handheld camera ang binata. Lumingon ito sa kanila pero ni hindi ngumiti.

Kumaway siya rito. Karaniwang suplado tingnan ang lalaki pero mabait naman. Gets na niya iyon. At in fairness, marunong itong mambola at mangumbensi. Marunong ding magpatahan ng babaeng umiiyak.

"Grabe! That's so long ago. Marunong ka pa kayang lumangoy, Ate?" nangingiting tanong ni Portia sa kanya.

"Oo naman. Parang pagba-bike 'yon, eh. 'Pag natutunan mo na, hindi mo na makakalimutan," sabi niya. Napatango siya nang mapansing nasa kondisyon ang logic niya ngayon. Hindi nagmamabagal.

"Magpalit na tayo ng damit, Ate."

Lumakad sila pabalik sa kung saan naka-park ang kotse nila. Nadaanan nila ang lalaki at ang caretaker. Saglit lang silang nilingon ni Grey.

Kumalabit sa kanya si Portia.

"Ate..."

"Ano?"

"Pinaiyak ka ni Kuya kanina?" curious na tanong nito.

"Ha? Naku, hindi. Pinatahan niya nga ako, eh."

"Eh, bakit ka umiyak?"

"Mataba kasi ako. Nag-inarte," aniyang humagikgik.

"Naku, maganda ka naman, Ate. 'Pag pumayat ka, maraming magkakagusto sa'yo."

" 'Yon din ang sabi ng kuya mo."

Panay ang hagikgikan nila sa paglakad. Nang makarating sa kotse ay kinuha nila ang mga pamalit na damit. Pabalik na sila sa dalampasigan nang lapitan ng isang lalaki.

"Ma'am, magbo-bonfire po kayo?" tanong ng payat na lalaki. Maitim ito. May hawak na isang tali ng malalaking kahoy.

"Eh... hindi yata." Ang alam niya ay sandali lang sila sa resort.

The Late Bloomer (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now