Chapter 31 : Rumors

80.6K 2.1K 138
                                    


***

"Ano 'to?" salubong ni Mama Korina.

Kumurap ang nakatayo pang si Tonya. Wala pang three minutes nang makarating siya sa bahay. Wala pang tatlong segundo nang bumungad sa sala. Ni hindi niya pa nahahabol ang sariling hininga dahil sa nagmamadaling pag-uwi. Pero heto at seryoso na agad ang Mama niya sa pagtatanong habang nakahalukipkip at nakaupo sa sofa. May nakabukang diyaryo sa mesa na malamang na dahilan ng arko ng kilay nito.

Diyaryo. Na naman.

Nagmamadaling naupo si Tonya sa katapat na sofa at binasa ang nakahaing article. Malisyoso. Uli. Sinasabi sa artikulo ang isang posibilidad daw na hindi matapos ang pelikulang isinu-shooting nila dahil sa hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng movie director na si Gregory Montero at ng leading man na si Shaun Mercache. Ang dahilan daw ay isang matabang babae na gumugulo sa working relationship ng dalawa. 'Yong cougar.

Nanlaki ang mata niya nang mapatingin sa stolen shot niyang naroon. Katabi iyon ng stolen shot din ni Direk at isang larawan ni Shaun. Pero colored picture ang sa kanya na malamang na kinunan no'ng bagong ayos siya nina Shane. At ang ganda niya! Kaya bakit cougar pa rin ang tawag sa kanya?

"Ipaliwanag mo sa akin kung sino 'yang Gregory Montero na 'yan," malamig at may himig ng disgusto ang boses ng Mama niya.

Napalunok siya. Hindi ba at nasa article na nga kung sino si Grey? Nalaktawan kaya ng basa ng Mama niya?

"Si Grey po ang direktor no'ng pelikulang sinu-shooting namin, Ma."

"Alam ko."

Nangunot ang noo niya. "O. Alam n'yo naman pala."

"Tapos? Ano pa? Direktor lang?"

"Alam ko, Ma, nag-e-edit din siya minsan ng mga pelikula. Set designer din po minsan."

Hindi natitinag ang seryosong mukha ng Mama niya.

"Ano'ng kinalaman niya sa 'yo? Bakit nadadawit siya sa ligawan n'yo ni Shaun?"

"Ki–kinalaman... sa akin? Ano... kasi, Ma..." hindi madugtungan ni Tonya ang salita. Umiikot kasi sa ulo niya ang mabilis na mga pangyayari sa iilang araw na lumipas. Ang lahat ng landian at kaligayahan na mayroon sila ni Grey habang wala pang clue ang Mama niya. Naiipit siya sa kilig, pag-aalala, at takot na rin.

"Alam kong manliligaw mo si Shaun dahil humarap siya sa 'kin. Kaya hindi ako nagtataka kung nadidikit ang pangalan mo sa kanya. Pero itong direktor na Montero?" malaki ang mata ni Mama Korina sa pagtatanong bago sumulyap sa picture ni Grey. "At ang mukha at katawan! Mahabaging langit!"

Sumulyap din siya sa picture ni Grey. Nakapantalon, hapit na kamiseta, at sumbrero lang ito sa larawan habang supladong nakatingin sa tagiliran. Pero bakas sa kamiseta ang namimintog na braso ng lalaki at halatado ang guhit sa sikmura nito. Langit nga! Alam niya by experience!

Muntik siyang humagikgik. Kaso, naglilitanya ang Mama niya.

"Walang habas at walang prenong lait ang inaabot mo sa pagkaka-link diyan! Pinagpipiyestahan ka ngayon! Papatayin ka sigurado sa susunod na mga araw!"

Translation: O.A. ang Mama niya. Pero may point.

Kailangan niyang subukan na isa-isang sagutin ang mga linya nito at magsabi ng totoo rito. Ang unang step doon ay kung ilalayo niya ang mata sa picture ni Grey. Nadi-distract kasi siya kahit na larawan lang iyon ng kasupladuhan nito.

Lumunok siya para maumpisahan ang dapat na ipagtapat. "Mabuti na rin po na masabi ko na ngayon. Si Shaun po, Ma, ano kasi," humina ang boses niya, "binasted ko na."

The Late Bloomer (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now