Chapter 36 : To guard something precious

65.5K 2.2K 163
                                    


***

"Cut! Good take!" sigaw ni Grey sa set. "Prepare for the next scene! Double-time, team!"

Mabilis ang kilos ng crew sa hotel sa Baguio kung saan sila nagso-shoot. Bumalik ang mga artista sa retouch kasabay ng kilos ng lightsmen at movers para lumipat sa kasunod na lokasyon sa hotel. Siya naman ay kinuha ang cellphone sa bulsa ng pantalong suot at nag-dial.

Ilang ring ang natapos bago may sumagot sa kanya.

"Hello, Portia! May balita ka na kay Tonya?" usisa niya sa kapatid.

"Kuya!" mataas ang tono ng bunso. "Wala akong balita kay Ate Tonya! Naiinis na ako. Hindi siya nagre-reply sa akin. Pati na kay Dean. Tapos no'ng sinubukan naming dumalaw, ang sabi ng Mommy niya, wala si Ate sa bahay nila."

Mabigat siyang nagbuntonghininga. Mababaliw na siya. Labing-isang araw nang ni hindi man lang niya nakakausap ang babae. Wala itong reply sa mga messages niya. Nagri-ring ang cellphone nito pero walang sumasagot. Nag-aalala siya pero hindi niya mai-check nang personal ang kalagayan nito dahil sa higpit ng schedule ng shooting. At dahil may pinagkakaabalahan din ang mga kaibigan niya, hindi niya maistorbo ang mga ito para magmanman kung nasaan si Tonya.

"Ikaw, Kuya? Okay ka lang ba? Ang sabi nina Kuya Boom, hindi ka nagpapahinga. Tuloy-tuloy kayong nagso-shoot. Kumain ka, Kuya!" may pagalit na sabi nito.

To hell with food. Paano siyang makakakain nang matino kung ganitong ni wala siyang ideya sa nangyayari sa girlfriend niya? Paano siyang magpapahinga kung bawat oras na sasayangin niya ay magpapatagal lang sa pagkikita nila?

Nang makabalik sila mula sa shooting sa Palawan, sa halip na magpahinga tulad ng crew ay tumuloy siya sa Baguio at personal na nag-ayos, nag-scout ng lokasyon, at kumuha ng permits para sa shooting nila. Kahapon, sumunod ang crew sa kanya at nagsimula silang kumuha.

"I'm okay, Portia."

"Isusumbong kita kay Ate Tonya kapag pasaway ka. Kumain ka, Kuya. 'Wag kang sumpungin."

Mahina siyang natawa sa kapatid. "I will. Just call me if you have news."

"Gusto mo, Kuya, mag-stalk ako sa labas ng bahay nina Ate?"

"What? No! You have classes and other activities at school. Stalking at night is dangerous. Just leave it to me. I will find a way."

"Pero Kuya—"

"It's okay, baby. 'Wag makulit. At 'wag kang masyadong mag-alala."

Pero sabi niya lang iyon. Siya itong parang mabibiyak na ang ulo sa pag-iisip ng paraan. Pinutol niya ang connection at nagbuntonghininga.

"Direk..." Alanganin ang ekspresyon ni Boom nang lumapit. Malaki ang eyebags nito sa puyat pero hindi nagrereklamo. "Hindi pa po available for our use 'yong restaurant. Mga one hour pa raw po bago tayo mag-set-up."

"What?!" napataas ang tono na tanong niya.

Lumayo nang kaunti si Boom sa reaksyon niya. "May emergency repair daw po kasi silang ginagawa sa kitchen. Maya-maya pa po tayo puwedeng pumunta ro'n."

Hindi niya isinatinig ang iritasyon. A one-hour delay in set-up could mean a two to three hours delay of the actual shoot. Maghahabol sila ng ilaw at ng oras.

Nanatiling nakatingin sa kanya si Boom. Nagbuntonghininga uli siya para kumalma.

"Just tell the crew that we will have a one-hour break." Nasapo niya ang ulong nananakit. "I know everyone's tired, too."

The Late Bloomer (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now