Chapter 14 : Rivals

100K 2.9K 291
                                    

TCWDM: Nasa media ang kantang Beautiful na binanggit sa kuwentong ito. 

***

The day progressed quickly. Umuwi si Adam nang ma-bore dahil huminto si Grey sa power trip kay Shaun. Party scene ang huling kinunan at kahit nasa kapangyarihan ng direktor na lasingin nang tunay ang lead, hindi niya ginawa. The eyes of the panda mug looked ridiculously big, observant, and judgy to Grey.

Matapos ang shoot ay nag-meeting pa siya kasama ang Logistics. Ayos na ang schedule ng out-of-town shootings nila. Ilang linggo na lang ay sa labas na sila kukuha ng mga eksena. He automatically laid and sorted out location scenes in his head. Nag-draft din siya ng panibagong listahan. May assistant siyang maaaring gumawa niyon para sa kanya pero hindi siya sanay na ipabahala sa iba ang tumatakbo na sa isip niya. Location shoots are full of emergencies. They should use time wisely when the weather is on their side. Hatinggabi na nang pauwiin niya si Boom. He stayed longer kahit mag-isa na lang siya sa buong set.

Or so he thought.

Paglabas ni Grey ng opisina ay nakita niya sa hanay ng mahahabang mesa ang pamilyar na pigura ni Tonya. Nakayukyok ito, nakaunan sa braso. May hawak na ballpen habang nakabukas ang notebook nito sa tagiliran. Nasa mesa rin ang bouquet na bigay ni Shaun.

Natutulog ba ito?

Maingat siyang lumapit dito. Maingat din nang hawiin ang buhok na tumakip sa mukha ng babae. Nakapikit ito at malalim ang paghinga. Natutulog nga.

Why is she still here?

Madilim na ang buong set maliban sa floor lamp na naiwang nakabukas malapit sa mesa nito. Wala nang tao bukod sa kanila. Tanging ang mga studio sa kalapit na palapag ang may bukas na ilaw at nag-o-overtime sa shooting. Paano itong naiwan doon? Hinihintay ba siya nito?

Umiling siya. No. She's not the kind who does that–'yong klase ng babae na gumagawa ng mga bagay na pag-iisipan ng malisya. Kung maghihintay ito ay magsasabi sa kanya o magpapaalam. But why is she there? Nakatulog lang ba ito at nakalimutang gisingin ng mga kasama?

He's conflicted whether to wake her up right away or not. Mag-a-ala-una na. Siguradong pagod na ito. Nasa pagitan pa rin siya ng pagdadalawang-isip sa paggising dito nang mapatingin siya sa notebook nito. Mukhang nagsusulat ito bago nakatulog. Curious niyang kinuha iyon.

SHOPPING: L
* black dress, lace
* black pants
* boots (may bagay kaya?)
* gel for emo hair
* hoodie?
* girl dresses (pang-first lady)
Ano pa?

GO TO THE SALON!!!

Naalala niyang naikuwento ni Portia na may appointments si Tonya para magpaayos sa isang salon. Magsa-shopping din daw dapat ito pero nakaligtaan dahil sa pagsama sa kanila sa Batangas. Kanina lang ay inilabas nila ang schedule ng shooting para sa parating na linggo. Walang leisure time doon.

Inilipat niya ang pahina ng notebook.

Today, Shaun gave me flowers. Akala ko hindi sa akin. Sa akin pala talaga. :)

Muntik niyang mapunit ang pahina pero nabasa niya ang nasa ibaba pa.

Parang galit si Goryo? Bakit? L

Napatingin siya sa tulog na si Tonya. Kung ang lahat ng iniisip nito ay isusulat nito sa notebook, madaling maididiin ang babae sa kung anu-ano. Paano na lang kung may makabasa ng notebook nito? Na mga pakialamero?

Gaya mo? tukso ng isip niya.

Inilipat niya uli ang pahina. Gusto niya kasing balikan ang masterplan nito. Pero tungkol sa kanya ang kasunod na pahina.

The Late Bloomer (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon