Chapter 8 : Getting a Headstart

101K 3.4K 641
                                    

***

Hapon.

Kumatok si Tonya sa dressing room ni Shaun bago binuksan iyon at pumasok. Nakangiti agad sa pagbungad niya ang lalaking nakaupo sa couch. Mag-isa lang ito sa silid.

"Scene mo na raw in fifteen minutes. Sabi ni... Direk."

Napatungo siya nang maalala si Grey at kung paano ito kiligin. Nag-init din ang tainga at pisngi niya.

"Kanina pa kita hinihintay," sabi ni Shaun. Maganda ang ngiti nito pero despalinghado ang OST. "Hey, Tonya!"

"Ha?" Iniisip niya ang nawawalang OST nito. Bakit walang tumutugtog?

"Are you okay? May nangyari ba? Sa'yo?"

"Okay naman ako. Hindi lang yata ako natunawan sa lunch," sabi niya. Hindi na kasi siya nakasubo matapos kiligin si Direk. Sa pagsulyap-sulyap nito sa kanya habang bahagyang nakangiti ay nanginig sa hiya at kilig ang internal organs niya. Puwersado siyang nag-diet.

Napatingin siya sa kausap na si Shaun. Puwede niya bang sabihin dito kung ano ang nangyari? Magiging interesado ba ito kung ikukuwento niya kung paano kiligin si Grey? At dapat ba niyang ikuwento? Dito o sa kahit na kanino?

"Kailangan mo ba ng gamot or anything? Para sa tiyan?" gusot ang mukha ni Shaun. Tulad iyon ng gusot na mukha ng Mama niya kapag may sakit siya. O ng gusot na mukha ni Hans kapag nawawalan siya ng pahinga sa trabaho. Mukha iyon na may translation: Nag-aalala.

Alanganin ang ngiti niya. "Hindi na. Okay lang ako."

Tumango ito, bumalik ang ngiti. Nagngitian sila nang isa, dalawa, tatlo, hanggang hindi mabilang na segundo.

"Ano... Bakit tayo nagngingitian?" tanong ni Tonya sa lalaki.

Napatawa si Shaun kahit hindi siya nagbitiw ng joke. "I don't know. I like looking at you."

"Bakit?"

Nagkibit-balikat ito. "I don't know."

"Ah... okay," awkward uli na sabi niya at sumipat sa wristwatch. "Ten minutes na lang, ha? Sa set ka na."

Tumalikod na siya para bumalik sa set, pero...

"Teka, Tonya."

"Bakit?" aniya rito paglingon.

"Off mo bukas, 'di ba?"

"Oo."

Iyon na naman ang ngiti nitong dapat may award ng nawawalang OST. Pero talagang tahimik. Pakiramdam ni Tonya ay may mali sa kanya.

"May lakad ka bukas?" tanong ng lalaki.

"Oo. Gym sa umaga. Tapos, may pupuntahan ako sa tanghali. Tapos, may mga appointments ako sa salon sa hapon. Bakit?"

"Let's have dinner."

"Dinner?" ulit niya.

"My treat."

Ibig sabihin, si Shaun ang magbabayad? Napangiti si Tonya. Libreng dinner lang naman pala.

"Okay."

"I'll call you tomorrow."

"Okay." Ginandahan niya rin ang ngiti hanggang sa lumabas ng silid nito.

***

"Cut! That's good! Let's try it on-cam this time!" sigaw ni Grey sa set.

Scene number 51. Bedroom. Eksakto na ang blocking nina Lauren at Shaun. Ready na para kunan.

Habang nasa retouch ang dalawang artista ay automatic ang paglapit ng mug ng kape niya. Pinigilan niya ang pagngiti. Sumulyap siya sandali sa babaeng nakatayo sa tagiliran bago kunin ang kape. Nahuli niya ang mata ni Tonya pero ibinaling nito sa iba ang paningin nito. Nag-landing kay Shaun. At kitang-kita niya ang pagkindat ng lalaki sa gawi nito. Ngumiti si Tonya. Kumunot naman ang noo niya.

The Late Bloomer (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now