Chapter 34 : To love you better

73.2K 2.3K 269
                                    

***

"Tonya, okay ka lang?"

Napangiti si Tonya sa nag-aalalang tanong ni Mitch sa kanya habang kausap ito sa cellphone.

"Okay naman ako, Mitch. Nandito ako sa bahay ni Grey ngayon. Nagluluto siya para sa akin, eh. Nagpapa-cute," aniya at sinulyapan ang lalaking abala sa harap ng kawali sa kalan.

Napupuno ang kusina ng amoy ng pagkaing iniluluto. At dahil loyal siya sa diet na sinusunod (na ibig sabihin ay lagi siyang gutom), nakapaglalaway ang amoy pa lang. Lumingon si Grey nang marinig ang pangalan at ngumiti sa kanya.

Alas onse pa lang ng gabi pero nakauwi na sila sa bahay nito. Maagang natapos ang shooting sa kabila ng mababa at hindi paborableng enerhiya sa set. Iniyakan na rin ng crew ang resignation niya.

"Napanood ko 'yong interview ni Direk sa balita dahil sa 'yo. At 'yong sapak niya talaga sa reporter, ha?! Damang-dama ko!" natatawang sabi ni Mitch. "Si Direk..." nahihimigan niyang nakangiti ang kausap, "mahal ka niya talaga. Hindi gaya ng talipandas na magnanakaw na Hans na 'yon!"

"Oo, Mitch. Ramdam ko 'yang sinasabi mo," sang-ayon niya at masuyong sumulyap kay Grey. "Tagos sa puso. Pati sa buto."

Sandali silang natahimik dahil pinanonood niya ang bawat kilos ng lalaki. Kinakabisado niya ang imahe ng likod nito at bawat paggalaw habang ipinaghahanda siya ng pagkain. Alam niya kasing matagal-tagal din bago maulit ang ganitong pagkakataon.

"Pero kahit O.A. ang mga balita, okay ka lang talaga?" si Mitch.

"Oo. Okay ako. 'Wag ka nang mag-alala diyan."

Nagbuntonghininga ang kausap.

"Kung kailangan mong magtago muna, libre 'tong compound namin para sa 'yo. Libre 'tong bahay ko. Palalayasin ko si Rick sa kama namin at tayo ang magtatabi!"

Mahina siyang tumawa. "Kawawa si Rick! 'Wag mo siyang palalayasin, Mitch."

"Basta magsabi ka sa 'kin kapag kailangan mo 'ko. Sa akin ka pupunta, ha?"

"Salamat. Ikaw ang unang makakaalam kapag hindi ko na kaya. At 'pag magtatago ako, siyempre sa 'yo ako pupunta."

"Promise 'yan, ha?"

"Oo naman. Ikaw pa! Ikaw lang naman ang nag-iisa kong best friend."

"Sabi mo 'yan, ha? At friend, magpakatatag ka! Kaya mo 'yan! Ipagtatanggol kita sa mga bashers mo!"

Kinagat niya ang pang-ibabang labi para hindi maluha. "Salamat."

Nang ibaba niya ang cellphone ay tapos na ring magluto si Grey ng garlic beef at glazed chicken. Inilapag nito sa mesa sa harap niya ang dalawang putaheng mala-restaurant ang pagkakaplato. Pagkatapos ay naupo ito sa katapat na upuan at sinalinan ang wineglass nila ng nakahandang red wine.

"Wow! Beef! At chicken!" excited na sabi niya bago alanganing ngumiti. "Hindi 'to puwede sa diet ko. At hindi na ako dapat kumakain ng ganitong oras."

Nawala ang ngiti ni Grey.

"Eat up. Ipapawis mo rin 'yan mamaya. Sisiguruhin ko," supladong sabi nito.

Napakurap siya. Hinihintay ang translator.

"Ano? Bakit ko—" Nanlaki ang mata niya. "Hala! Bastos ka, Goryo! Nasa harap tayo ng pagkain!"

Mahinang natawa ang lalaki. "Pa'no akong magiging bastos? Wala pa akong ginagawa sa'yo." Pilyo itong ngumiti sa kanya. "Mamaya pa."

Nakaawang ang labi niya sa mahalay na translation sa isip niya habang namumula ang pisngi. Lalo naman itong tumawa.

"Eat, Tonica. Tell me if I'm a good cook."

The Late Bloomer (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now