༺ Hiling ng Manunulat ༻

352 29 2
                                    

Bago mo ito basahin,

Nawa'y iyong intindihin

Ang nais ko munang sabihin

Upang mawala itong aking alalahanin.




Unang-una, hindi po ako magaling

Kung sa kwentong ito'y atensyon mo'y nabaling,

Nawa'y manatili ka sa aking piling,

Kahit ako'y baguhan lamang sa ganitong sining.



Sa mga susunod na mga kabanata,

Maaaring may mga pagkakamali ako sa pagsusulat ng mga salita.

Hiling ko na ako'y iyong itama,

Sa paraang maayos at hindi nakakasama.



Ang kwentong ito'y hindi perpekto,

Produkto lamang ito ng aking kakaibang perspektibo,

Sana'y maintindihan mo na may mga aspekto

Ang maaaring sa iyong pananaw ay sensitibo.


Kung naiintindihan mo na ang aking punto,

Pwede mo nang ipagpatuloy ang kwento. 

Lubos kong ikakagalak ang iyong boto't komento.

Ang iyong suporta'y maituturing kong aking ginto.

Pain And PenWhere stories live. Discover now